Pulis na naka-livestream ukol sa isang seryosong kaso, aksidenteng nagkaroon ng cat filter

Pulis na naka-livestream ukol sa isang seryosong kaso, aksidenteng nagkaroon ng cat filter

- Viral ang video ng isang Canadian police na naka-livestream ukol sa isang seryosong kaso sa kanilang bansa

- Maayos sana ang umpisa ng press conference nang biglang magkaron ng cat filter ang mukha nito

- Maaalalang nangyari rin ito sa sa isang Pakistani minister kung saan seryosong usapin din ang kanilang tinatalakay nang magkaroon ng cat filter ang mga nasa pulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking gulat ng mga nanonood ng livestream ng Canada national police ukol sa isang seryosong kaso sa kanilang bansa.

Ayon sa 9Gag, bigla na lamang nagkaroon ng cat filter ang mukha ng presiding officer na si Sgt. Janelle Shoihet.

Kapansin-pansin ang "cat ears at whiskers" nito habang sinasagawa ang briefing ukol sa kaso.

Sinabing naka-automatic setting ang ginamit na gadget sa pagkuha ng video na agad naman daw nilang naayos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maaalalang nauna nang naibalita ng KAMI na nangyari na rin ang ganitong insidente sa video conference call ng Pakistan Minister of Information kasama ang iba pang nasa pulong.

Bigla na lamang umanong nagmukhang "cat's meeting" ang conference call dahil sa lahat halos ng nahahagip ng camera ay may cat filter na.

Dahil dito, magsilbing paalala ito lalo na sa mga pormal na okasyon na i-check munang mabuti ang gadget na gagamitin sa pagkuha ng video upang maiwasang maging katawa-tawa ang isang seryosong usapin.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The star of Hello, Love Goodbye is sure that Filipinos will enjoy the new movie. The actor also speaks about some personal issues, including the graphic art controversy he was involved in.

Jameson Blake: This Movie Will Inspire Filipinos | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel