Beauty Queens na walang make-up sa Negros, hinangaan ng mga netizens
- Marami ang napa-wow sa kakaibang beauty pageant na ginanap kamakailan sa Negros
- Ang mga kandidata kasi ay hindi pinahintulutang mag-make-up taliwas sa karaniwang ginagawa sa mga pageant
- Mapapansing mga naka-gown ang mga kandidata subalit walang kahit anong kolorete ang nakalagay sa kanilang mukha
- Ayon sa mga netizens, magandang ideya ang ginawa na ito ng mga taga-Negros upang makita talaga ang tunay na ganda ng bawat Pilipina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagiliwan ng marami ang ginanap na beauty pageant sa Negros ang Negrosanon Queens 2021.
Nalaman ng KAMI na kakaiba ang pageant na ito dahil sa hindi pinahintulutan na magsuot ng make-up ang mga kandidata.
Ayon sa post ng The Philippine Pageantry, sa ganito raw paraan makikita ang tunay na ganda ng isang Negrosanon.
Mapapansing naka-gown nga ang mga kandidata at nakaayos ang mga buhok subalit walang anumang kolorete ang nilagay sa kanilang mga mukha.
Ayon sa mga netizens, magandang ideya umano ang ginawa na ito ng mga taga-Negros gayung dito makikita ang tunay na ganda ng bawat Pilipina.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan pa sa kanilang mga komento:
"Magaganda sila even without make-up ha. Ganito dapat sa lahat ng mga pageant"
"Great idea po. Para makita ang tunay na beauty nila hindi iyong minsan naitatago lang sa make-up"
"Tama po yan, para hindi tayo nagugulat na iba pala ang mukha nila pag may make-up"
"'Pag nanalo ka sa ganyang contest, masasabi mong maganda ka talaga!"
"Wow! first time ba ito? Sana ganito na talaga ang gawin sa mga pageant. Hindi man sa kabuaan ng contest pero mabigyan din sana ng "No make-up" portion"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, si Kathryn May Gadingan Salacut ng Tayasan ang tinanghal na Negrosanon Queen 2021. First runner-up naman nito si Daphne Kyara Algarme ng Bais City habang second runner-up naman si Renelyn Deguit ng Ayungon.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, inulan man ng kontrobersiya ang Miss Universe Philippines kamakailan, pinatunayan naman ng title holder nito na si Rabiya Mateo na siya nga ang karapat-dapat na manalo.
Kamakailan, namahagi si Rabiya ng mga school supplies at tsinelas sa mga estudyanteng kapos-palad. Doon niya naikwento ang hirap din niya bilang mag-aaral noon na limang piso lamang ang baon. Kaya naman nang nagtagumpay sa buhay, siniguro ni Rabiya na makatulong sa mga batang nakararanas nang minsan na niyang pinagdaanan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh