Basel Manadil, bumili ng property upang mas marami pang mabigyan ng trabaho

Basel Manadil, bumili ng property upang mas marami pang mabigyan ng trabaho

- Ipinasilip ng vlogger na si Basel Manadil ang nabili niyang bagong property para sa kanyang bubuksang online shop

- Gagawin niya itong Korean store na ekslusibo lamang sa kanyang mga magiging resellers at mga bibili online

- Sa ganitong paraan, marami muli siyang mga kababayang Pilipino na mabibigyan ng hanapbuhay

- Maganda kasi umano ang dagsa ng tao sa kanyang bagong bukas na Korean store ang Yeoboseyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan na naman ang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer dahil sa pagbili niya ng property na ang layunin ay upang makapagbigay pa ng trabaho sa mga kababayang Pinoy.

Nalaman ng KAMI na ang biniling lugar ni Basel ay ang magsisilbing extension ng kanyang Korean store na Yeoboseyo.

Maganda umano ang dagsa ng tao sa kanyang bagong bukas na shop kaya naisipan niyang gawin din itong online at tumanggap ng resellers.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng 2nd chance ang nasisanteng empleyado

Basel Manadil, bumili ng property upang mas marami pang mabigyan ng trabaho
Basel Manadil (Photo from The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ayon pa kay Basel, malaki ang kamurahan ng kanyang mga produkto kumpara sa ibang mga Korean stores lalo na ang mga nasa mall.

Malaki at maluwag ang bago niyang shop na mayroon pang second floor kaya naman inaasahang mas maraming produkto ang kanilang maipagbibili.

Sa ganito ring paraan, mayroon na naman siyang mga mabibigyan ng trabaho lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan marami ang nawalan ng hanapbuhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Read also

Zeinab Harake, pinasilip ang video ng paghaharap ng daddy niya at ni Skusta Clee

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang sa pagbubukas ng taon, inilahad ni Basel ang nangyari sa biglaang pagkawala ng kanyang itinuring na "Abeoji" sa kanyang mga vlogs.

Sa kabila ng nangyari na ito sa kanila ni Mr. Chang, binuksan pa rin niya ang Korean store na Yeoboseyo na ang inspirasyon talaga ay ang kanyang "Abeoji"

Si Mr. Chang pa sana ang mamahala ng store na ito upang sana'y hindi na ito mahirapang maglako sa kalsada subalit sinabing mas pinagkatiwalaan pa umano nito ang isa pang vlogger na si Bobby.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica