87-anyos na COVID-19 patient at humiling na makita ang paglubog ng araw, naka-recover

87-anyos na COVID-19 patient at humiling na makita ang paglubog ng araw, naka-recover

- Nag-viral ang larawan ng isang lolo na naka-survive sa kinatatakutang virus na COVID-19

- Una nang nag-viral ang larawan niyang nasa labas ng ospital kasama ang kanyang doktor dahil sa kahilingan nitong makita ang paglubog ng araw

- Sa pag-aakalang huling hiling na ito ng matanda, pinagbigyan nila ito

- Matapos ang mahigit isang buwang pamamalagi sa ospital sa Wuhan, marami ang natuwa nang maka-recover ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang larawan ng matandang Chinese na naka-recover sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Binahagi ng Contento Days ang lalaki ng lolo na masigla na ang mga mata at gumaling na sa kinatatakutang virus ng buong mundo.

Nalaman ng KAMI na una nang umagaw ng atensyon ang lolo nang mag-viral din ang larawan niyang nasa labas ng ospital kahit nakaratay pa rin sa hospital bed, kasama ang kanyang doktor habang tinitingnan ang paglubog ng araw.

Inakala kasi nilang isa na ito sa mga huling kahilingan ng lolo na kanilang pinagbigyan.

Binahagi ng Panay news ang larawan ng 87-anyos na pasyente ng Renmin Hospital ng Wuhan University sa China kasama ang kanyang doktor.

Isang buwan na ito sa ospital bago niya maisipang hilingin na makita ang 'sunset'.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayon, matapos ang mahigit na isang buwang gamutan, naka-recover ang lolo sa COVID-19.

Base sa pahayag ng World Healh organization, madaling tamaan ng COVID-19 ang mga matatanda at sa kasamaang palad, sila rin ang madalas na pumanaw dahil sa kumplikasyon lalo na kung may iba pa itong iniindang sakit.

Kaya naman masasabing isang milagro ang paggaling pa ng lolo na ikinasaya ng marami.

Sa Pilipinas, lima ang pinakahuling bilang ng mga naka-recover ayon sa Department of Health.

Umaasa ang marami na sa mga susunod na araw, ay tataas pa ang bilang nito at hindi ng bilang ng kumpirmadong kaso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We went to the streets of Manila and challenge people if they can guess these Pinoy celebrities by hearing only their voices.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Star By Voice | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel