China Roces, ipinaliwanag ang dahilan kung bakit piniling itago ang pagkakaroon ng anak

China Roces, ipinaliwanag ang dahilan kung bakit piniling itago ang pagkakaroon ng anak

- Pormal nang ipinakilala ni China Roces ang kanyang anak na babae sa publiko

- Ibinahagi niya ang kanyang dahilan kung bakit niya piniling itago ang pagkakaroon niya noon ng anak

- Aniya, dahil madalas makaranas ng diskriminasyon ang mga babaeng mayroon nang anak mas pinili niyang itago ang pagiging ina

- Gayunpaman, hiling ni China na sana ay huwag siyang husgahan dahil mahal na mahal niya ang mga anak niya at ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos magdiwang ng ika-14 taong kaarawan ng anak ni China Roces, pormal nang ipinakilala ng vlogger ang anak.

Nilinaw niyang noong nanganak siya ay pinili niyang ilihim ang tungkol sa anak dahil madalas makaranas umano ng diskriminasyon noon ang mga batang ina.

Aniya, marahil kung sinabi niya iyon noon ay walang brand na tatanggap sa kanya bilang endorser.

Kim Chiu, hindi napigilang mag-react sa viral na meme ni Kris Aquino
China Roces, ipinaliwanag ang dahilan kung bakit piniling itago ang pagkakaroon ng anak

China Roces and daughter Lymhie Dine Garcia
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, hiling ni China na huwag sana siyang husgahan dahil mahal na mahal niya ang kanyang mga anak.

Ibinahagi niya ring mag-uumpisa nang mag-vlog ang anak at hinimok niya ang mga followers na suportahan ang kanyang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kahit mahiyain ay hanada na umano itong pasukin ang paggawa ng mga YouTube content kagaya ng kanyang ina.

Samantala narito ang reaksiyon ng mga netizens sa pagsasapubliko ni China ng pagkakaroon niya ng dalagitang anak.

Ang ganda ng anak mo Ms China. I'm also a daughter of a single mom. Stay safe and beautiful. Sa anak ni Ms. China, Please mag-aral nang mabuti. Iba pa din ang nakaka tapos ng school.
Interview ni Kris Aquino kay Kim Chiu noong 2014, trending dahil sa mga meme
Wow naman. Sayang, ang ganda-ganda, tinago mo. Pero understandable naman dahil nasa entertainment industry ka.
Mas proud kami sa'yo dahil sa pagiging honest mo. Ang ganda niya, we support you Miss China.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si China Roces ay sumikat bilang FHM cover girl. Pinasok niya na rin ang paggawa ng vlog matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer.

Kamakailan ay tuluyan nang naghiwalay sina China at Tim. Matatandaang naging emosyonal si China nang ibahagi niya ang paghihiwalay nila.

Kasunod nito ay naglabas ng pahayag ang mga kaibigan ni Tim para pasinungalingan ang naging pahayag ni China kaugnay sa paghihiwalay nila ni Tim

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Ofw
Online view pixel