China Roces, napaiyak dahil sa tuluyan nilang paghihiwalay ni Tim Sawyer

China Roces, napaiyak dahil sa tuluyan nilang paghihiwalay ni Tim Sawyer

- Isang emosyonal na China Roces ang bumungad sa mga netizens nitong bisperas ng pasko

- Ibinahagi niya ang kanyang kalungkutan na hindi niya napagtagumpayang mabuo ang kanyang pamilya

- Ayon pa sa kanya, pinilit niyang mabuong muli sila ngunit wala na talaga umanong pag-asang mangyari iyon

- Tuluyan na umano silang nagkahiwalay ni Tim Sawyer kaya sa bahay na lamang ng kanyang mga magulang sila magdidiwang ng pasko kasama ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maiyak ni China Roces nang ikwento niya ang tungkol sa tuluyang paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer.

Malungkot lang umano siya na sa unang pasko sana na kasama niya ang pamilya sa bahay na kanyang binili, hindi sila kumpleto kaya napagpasyahan niyang mag-pasko na lamang sa bahay ng kanyang mga magulang kasama ng anak nila ni Tim na si Timothy.

Read also

Liz uy, ibinida ang kanyang baby bump sa pangalawang pagbubuntis

Ayon pa kay China, pinilit niya sanang mabuo ang kanyang pamilya ngunit mahirap na talagang ipilit ayusin ang isang bagay na hindi na umano maaayos.

China Roces, napaiyak dahil sa tuluyan nilang paghihiwalay ni Tim Sawyer
China Roces (facebook.com/iamChinaRoces)
Source: Facebook

Gayunpaman, tila tanggap niya na ang nangyari dahil aniya hindi naman pwedeng ibigay sa kanya ang lahat. Mayroon na siya ng mga bagay na dati niya lang pinangarap kagaya ng sariling bahay, sasakyan at maayos naman umano ang kanyang career.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, bumuhos naman ang mensahe ng pagsuporta kay China kasunod ng kanyang emosyonal na rebelasyon.

Cheer up tayo para sa mga anak natin.hayaan mo magiging masaya ka din balang araw masakit lang yan sa umpisa. Merry Christmas Ms china and to all.
Sobrang iyak ko talaga idol china wag kang mag alala madaming blessings ang dadating sayo ay andto kame para sayo

Read also

Vendor ng mani, napaiyak matapos matangay ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan

Dasal k lang kaya mo yan sabi nga kung ukol bubukol godbless praypraypray lagi love k n lord gagabayan ka nya higit p sa kanya makakatagpo k dahil mabait kang tao merry christmas sa family mo at maraming nagmamahal sau

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa.

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

Matatandaang unang nag-viral ang dalawa matapos ibahagi ni China sa pamamagitan ng Facebook live ang pag-aaway nila ni Tim.

Gayunpaman, nagkaayos sila sa tulong na rin ni Raffy Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel