Nag-viral na palaboy matapos na ma-makeover, may bagong trabaho na

Nag-viral na palaboy matapos na ma-makeover, may bagong trabaho na

- Matapos na mag-viral ng palaboy at nangangalakal na si Dennis Pascual, sunod-sunod na biyaya na ang kanyang tinatamasa

- Muli siyang binalikan ng mabait na stylist at ipinamili siya ng mga damit

- Naisipan na rin nitong kupkupin siya at tutulong na lamang si Dennis sa salon ng stylist

- Mababakas ang aliwalas sa mukha ng dating palaboy dahil sa bagong buhay na kanyang nararanasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan nang nabago ang takbo ng buhay ni Dennis Pascual, ang nag-viral na palaboy matapos na ma-makeover ng nagmalasakit na stylist na si Richard Strandz.

Nalaman ng KAMI na matagal na umanong napapansin ni Richard si Dennis na dumaraan sa kanilang salon sa tuwing magbebenta na ito ng mga nakalakal niya.

Hanggang sa isang araw, naglakas loob na si Richard na kausapin ni Dennis para mabigyan ng makeover.

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak
Nag-viral na palaboy matapos na ma-makeover, may bagong trabaho na

Dennis Pascual (Photo from Richard Strandz)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Laking gulat nila sa kinalabasan ng makeover gayung nagmistulang isang modelo si Dennis na hindi mo raw aakalain na isang palaboy.

Matapos na mabigyan ng tulong, naisipan ng na balikan si Dennis upang ipamili ng mga damit.

Ipinaalam na rin niya rito na nag-viral umano siya at marami ang nakapansin sa kanyang mga larawan.

Naisipan na rin ng stylist na kupkupin si Dennis dahil nakita rin niyang mabuting tao naman ito.

Napagkasunduan nila na maglilinis na si Dennis ng salon at hindi na muling babalik sa pangangalakal.

Ibinahagi rin ni Richard na kasama nila sa shop ang kanyang mga una nang alaga na makakasama rin ni Dennis.

Mababakas sa mukha ng dating palaboy ang labis na kasiyahan sa nangyayari sa kanyang buhay sa ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Basel Manadil, binigyan ng 2nd chance ang nasisanteng empleyado

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Richard Strandz:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay agaw pansin sa social media ang palaboy at nangangalakal na si Dennis Pascual.

Marami ang namangha sa kanya lalo na nang mabihisan at maayusan na siya ng mabait na stylist na si Richard Strandz.

Dahil sa nag-viral ang mga larawan at video tungkol kay Dennis, Nakarating ito sa isa sa mga nagpakilalang kapatid niya.

Umaasa ang marami na magkita ang dalawa upang tuloy-tuloy na ang pagbabago ng buhay ng dating nangangalakal at walang permanente at maayos na tirahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel