DepEd, kinumpirmang hanggang Hulyo 10 ang klase ng mga pampublikong paaralan
- Inilabas na ng Department of Education ang panibagong adjustment sa school calendar sa mga pampublikong paaralan
- Magsisimula umano ang ikatlong markahan sa Marso 22-Mayo 15, habang ang ikaapat na markahan naman ay mula Mayo 17 hanggang Hulyo 10
- Ayon mismo kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang pagbabagong ito ay naglalayon na mabigyan ng pagkakataon ang guro magawan umano ng paraan ang mga 'learning gaps'
- Samantala, magkakaroon naman ng ilang araw na 'school break' ang mga mag-aaral
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinumpirma ni Secretary of Education na si Leonor Briones na aabutin umano ng hanggang Hulyo 10 ang klase ng mga pampublikong paaralan.
Sa kanyang pahayag na ibinahagi ng One News, sinabi ni Briones na extended ang panuruang taon 2020-2021 na dapat ay magtatapos na sa Hunyo.
"There has been an identified need to address learning gaps in order to meet the required essential learning competencies,” paliwanag ni Briones.
"These learning gaps are attributable to reduced academic opportunities at home and substantial loss of live contact with teachers," dagdag pa niya.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ng Department of Education Facebook page ang bagong school calendar.
Mapapansin sa pagbabago na Marso 22-Mayo 15 na ang Ikatlong Markahan na sana'y nagsimula na noong Marso 1.
Samantala ang Ikaapat at huling markahan naman ay magsisimula sa Mayo 17 at magtatapos sa Hulyo 10.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa ulat ng CNN, ang Marso 1 hanggang Marso 12 ang magsisilbing mga araw upang maisagawa umano ng mga guro ang kanilang mga intervention upang mabigyang tugon ang mga naging sularanin ng mga mag-aaral sa naunang dalawang markahan.
Samantala, sasailalim naman sa In-Service training ang mga guro mula Marso 15-19 habang naka-school break naman ang mga estudyante.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Oktubre 5 nang magsimula ang panuruang taon 2020-2021 dala ng matinding pag-iingat para sa ating mga estudyante upang makaiwas sa COVID-19.
Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na hindi niya pahihintulutan ang face-to-face classes hanggang wala pang bakuna na nakararating sa bansa kung saan mabibigyan na rin ang mga guro at mag-aaral.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh