Pres. Duterte, inaprubahan na ang dry run ng face-to-face classes sa Enero

Pres. Duterte, inaprubahan na ang dry run ng face-to-face classes sa Enero

- Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang dry run ng face-to-face classes sa ilang mga lugar sa bansa sa Enero

- Ito ay gagawin lamang sa mga lugar na maituturing na low-risk na sa COVID-19

- Wala pa mang pinal na desisyon kaugnay sa petsa, gaganapin ang dry-run sa buong buwan ng Enero at magiging mahigpit sila sa pagkakaroon ng parent's permit sa mga dadalo ng face-to-face classes

- Matatandaang minsan nang nabanggit ng pangulo na hindi pa rin niya pahihintulutan ang face-to-face classes hangga't wala pang vaccine laban sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na magkaroon ng dry ang face-to-face classes sa ilang piling lugar sa Enero 2021.

Nalaman ng KAMI na inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging desisyon ng pangulo at isasagawa lamang ito sa mga lugar na low-risk sa COVID-19.

Read also

Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo

Ayon sa One News Ph, makikipag-ugnayan ang Kagawaran ng Edukasyon sa sa iba't-ibang ahensya lalo na sa lokal na pamahalaan ng mga mapipiling lugar.

Pres. Duterte, inaprubahan na ang dry-run ng face-to-face classes sa Enero
President Rodrigo Duterte
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Magiging mahigpit din sila sa pamamahagi ng parent's permit bilang patunay na pinahihintulutan ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak na dumalo sa nasabing dry-run kung saan ipatutupad pa rin ang safety protocols bilang pag-iingat sa COVID-19 base sa ulat ng Bombo Radyo.

“The pilot shall be done under strict health and safety measures and where there is commitment for shared responsibility among DepEd, local government units and parents,” pahayag ni Roque.

Nilinaw din ni Roque na ang pagdalo sa dry run ay hindi compulsary at boluntaryo lamang sa mga nais na pumasok at magklase sa paaralan.

Matatandaang minsan nang siniguro ng pangulo na hindi niya pahihintulutan ang face-to-face classes hangga't wala pang vaccine kontra COVID-19.

Read also

Elha Nympha, hot topic sa social media dahil sa kanyang swimsuit photos

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Oktubre 5 nang magsimula ang klase sa pampublikong paaralan sa bansa.

Iba't ibang learning modalities ang inihain ng Department of Education tulad ng online classes, modular learning, pagpapalabas ng mga aralin sa DepEd TV habang ang iba ay nagamit pa ang istasyon ng radyo sa kanilang lugar.

Inaasahang matatapos ang panuruang taon 2020-2021 sa Hunyo ng susunod na taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel