Corona vaccine ng AstraZeneca, darating sa bansa sa Huwebes ayon kay Roque

Corona vaccine ng AstraZeneca, darating sa bansa sa Huwebes ayon kay Roque

- Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na darating na bukas, Huwebes, ang mga vaccine kontra COVID-19 na AstraZeneca

- Matatandaang nauna nang naiulat na darating noong March 1 ang mga vaccines na ito ngunit nagkaroon ng aberya sa supply

- Kasunod ito ng pagdating ng mga coronavac mula sa China na Sinovac

- Pero si vaccine czar Carlito Galvez Jr., salungat ang naging pahayag kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inaasahang bukas na, Huwebes, darating ang 487,200 corona vaccine na AstraZeneca mula sa British company ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Anito, darating ang mga bakuna kontra COVID-19 bukas ng gabi, bandang 7:30 sa isang airbase sa Maynila batay sa report ng News 5.

"AstraZeneca’s expected time of arrival is based on the scheduled handover of vaccines. We will notify everyone, if and when there is a change of schedule," ayon kay Roque sa isang statement base sa report ng ABS-CBN News.

Read also

Anne Curtis, ibinahagi ang litrato ng magpinsang Dahlia at Thylane

Corona vaccine mula sa AstraZeneca, darating sa bansa sa Huwebes ayon kay Roque
Photo: AztraZeneca vaccine
Source: Getty Images

Una nang naiulat na dapat ay noong Lunes pa dumating ang 525,600 mga bakuna ng AstraZeneca sa bansa.

Ngunit dahil sa limitasyon ng global supply chain, nagkaroon ng delay ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Hindi na nasagot ni Roque kung bakit 487,200 lang ang darating bukas sa halip na 525,600.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon naman kay WHO Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, sanhi ito ng logistical problems.

Nakahanda rin daw si Pangulong Rodrigo Duterte na salubungin ang mga bakuna ng AstraZeneca katulad nang ginawa nito sa Sinovac na nagmula sa bansang China.

Pero si vaccine czar Carlito Galvez Jr., salungat ang naging pahayag kaugnay nito.

"Dalawang beses na kami nakuryente diyan. Mabuti i-confirm 'pag may plane nang lumipad from Belgium," anito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Birthday surprise ni Bea para kay Gerald noong 2019, binalikan ng netizens

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isang eksperto naman ang nagbabala na posibleng hindi maging epektibo ang mga vaccines kung hindi masugpo ang South African variant.

Apat naman ang naiulat na sumama ang pakiramdam matapos mabakunahan ng Sinovac. Ayon pa sa report ng News 5, halos 2,800 na ang nabakunahan ng Sinovac sa mga ospital.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone