4 na binakunahan ng Coronavac ng Sinovac, sinamaan ng pakiramdam

4 na binakunahan ng Coronavac ng Sinovac, sinamaan ng pakiramdam

- Apat na tao ang naiulat na sinamaan ng pakiramdam matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine ng Sinovac

- Batay sa lumabas na reports, nagkaroon ng rashes at pamumula ang isa habang nakaranas naman ng palpitation at pagtaas ng BP ang isa

- Sa huling ulat, na-discharge na ang dalawa sa mga ito habang dalawa ang patuloy na minomonitor

- Ayon sa isang doktor, kahit na hindi napatunayan na dahil sa bakuna ang dinanas ng mga ito, maituturing na mild symptoms lamang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Apat na tao ang naiulat na sinamaan ng pakiramdam matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine ng Sinovac, ngayong Lunes.

Ngayong araw sinimulan ang pagbabakuna sa ilang ospital sa Metro Manila ng Coronavac na ibinigay ng bansang China na may bilang na 600,000 doses.

Batay sa report ng GMA News, isang staff ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang nagkaroon ng rashes at pamumula. Na-discharge na rin naman ito.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

4 na binakunahan ng Coronavac ng Sinovac, sinamaan ng pakiramdam
Photo: Screen grab from ABS-CBN News
Source: UGC

Sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, makikita pa nang isugod ang staff sa emergency room matapos mahilo.

Isang lalaking staff ng Department of National Defense (DND) ang isinakay sa ambulansya matapos makaramdam ng pananakit ng ulo at pagtaas ng blood pressure.

Habang isa pang babaeng staff ng DND ang nagkaroon din ng rashes.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa naman ang naiulat na nakaramdam ng palpitations.

Batay sa huling report, dalawa sa mga ito ay na-discharge na habang patuloy na minomonitor ang dalawa pa.

Sabi naman ng attending physician, kahit na hindi napatunayan na dahil sa bakuna ang dinanas ng mga ito, maituturing na mild symptoms lamang ito.

Posible rin daw na hindi dahil sa vaccine ang mga sintomas na ito at maaaring dahil sa ibang factor tulad ng anxiety dahil sa pagpapabakuna. Isa umano sa mga ito ay isang 59-anyos na nag-bike papuntang VMMC bago mabakunahan.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, nahaharap na sa disciplinary action

Paliwanag naman ni Dr. Ramon Mora, post-vaccination observation team leader ng VMMC, wala raw dapat ipangamba dahil dito.

"Ang ayaw na ayaw namin, ‘yong may mahihirapan huminga," anito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isang Pinay sa US ang nagkaroon ng pambihirang sakit sa dugo matapos mabakunahan ng Coronavac ng Moderna.

Isang doktor naman ang nagpaalala sa publiko na panatilihin ang minimum health protocols kahit na may vaccine na.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone