Minimum health protocol, kailangan pa rin kahit may vaccine na
-Sa kabila ng pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19, kinakailangan pa rin daw sumunod sa mga minimum health protocol ayon sa isang doktor
-Binigyang-diin ni Dr. Rontgene Solante ng San Lazaro Hospital ang kahalagahan ng Minimum Public Health Standards kahit pa may bakuna na
-Nitong mga nakaraang buwan ay naging mainit na ang usapin tungkol sa bakuna laban sa coronavirus disease na siyang ugat ng pandemya ngayon
-Sa kasalukuyan ay inaabangan pa rin sa bansa ang mga bakuna mula sa Pfizer-BioNTech
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kabila ng pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19, sinabi ng ilang eksperto na kailangan pa ring sumunod sa mga minimum health protocol ang mga tao.
Binigyang-diin ni Dr. Rontgene Solante ng San Lazaro Hospital ang kahalagahan ng Minimum Public Health Standards kahit pa may bakuna na laban sa virus.
Ang pagsusuot ng face mask at face shield at pananatili ng physical distancing ay kinakailangan pa rin upang maiwasan ang transmission at viral mutation.
"We always emphasize the importance of compliance to the minimum health protocol -the face mask, the face shield, and the physical distancing.
"And it should not be something that we can be lax on because until such time that most of the population will be vaccinated, we still have to implement this protocol," ani Dr. Solante base sa Facebook post ng Department of Health.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nitong mga nakaraang buwan ay naging mainit na ang usapin tungkol sa bakuna laban sa coronavirus disease na siyang ugat ng pandemya ngayon.
Sa kasalukuyan ay inaabangan pa rin sa bansa ang mga bakuna mula sa Pfizer-BioNTech.
Batay sa report ng 24 Oras, ipapadala na raw ang mga bakuna sa Pilipinas kapag tinanggap ng Pfizer-BioNTech ang isinumiteng indemnity agreement ng bansa.
Inaasahan ang mahigit 100,000 vaccine mula sa Pfizer ngunit wala pa umanong nakatakdang petsa kung kailan ito makararating sa bansa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ngayong February 15, 2021, nakapagtala ng 1,685 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang DOH. Sa kabuuan ay umabot na sa 550, 860 ang COVID-19 cases sa bansa. 27,588 dito ang aktibong kaso, 11,517 ang nasawi habang 511,755 naman ang gumaling.
Sa isa pang report ng KAMI, sinabi ng ilang eksperto na posibleng tumagal pa ang COVID-19 kahit pa may vaccine na.
Samantala, pinayagan na ring magbukas ang mga sinehan, museums at arcades sa mga lugar na nasa GCQ na tinututulan ng ilang alkalde.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh