Sinehan, arcades at museums; ilan sa mga papayagang magbukas sa ilalim ng GCQ

Sinehan, arcades at museums; ilan sa mga papayagang magbukas sa ilalim ng GCQ

- Pahihintulutan nang magbukas ang ilan pang mga industriya kahit sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine

- Ito ay upang tuluyan nang makabangon ang ekonomiya ng bansa na labis na naapektuhan dahil sa pandemya

- Isa rin itong paraan upang makapagbigay ng trabaho sa mga nawalan ng hanapbuhay noong nakaraang taon

- Inaasahang magiging epektibo ito sa Pebrero 15 kasabay ng paglabas ng mga panibagong guidelines

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magbubukas na ang ilan pang mga negosyo at industriya sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine ayon sa inter-agency task force.

Nalaman ng KAMI na mula sa pulong na ginanap nitong Huwebes, Pebrero 11, inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinahintulutan na ng IATF ang pagbubukas ng mga sumusunod na establisimyento:

Driving schools, Traditional cinemas, Video and interactive game arcades, Libraries, archives, museums, cultural centers, meetings, incentives, conferences at exhibitions.

Read also

Senior HS, unang papapasukin sakaling magbalik paaralan na ang mga estudyante

Sinehan, arcades at museums; ilan sa mga papayagang magbukas sa ilalim ng GCQ
Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Papayagan din ang pagkakaroon ng mga limitadong social events sa mga accredited na establishments ng Department of Tourism.

Gayundin ang mga limited tourist attractions tulad ng parke, theme parks, natural sites at maging historical landmarks.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, papayagang magbukas ang mga nabanggit upang tuluyan nang makabangong ang ekonomiya ng bansa na labis na naapektuhan dahil sa pandemya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ito rin ang nakikita nilang paraan para mabigyan ng trabaho ang mga kababayang nawalan ng hanapbuhay noong nakaraang taon.

Ayon pa kay Roque, inaasahang magiging epektibo ang pagpapatupad nito sa Lunes, Pebrero 15.

"Ang effectivity po nito ay, I understand, magkakaroon na naman ng guidelines... will be the 15th of February."

Matatandaang Hulyo ng 2020 nang unti-unti nang nagbukas ang ilang mga negosyo sa bansa kahit nasa ilalim pa ang karamihan ng lugar sa GCQ ayon sa Philippine Star.

Read also

YouTuber na nagsasagawa ng 'prank', napaslang ng inakalang totoo ang robbery

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, Ngayong buong buwan ng Pebrero, nasa GCQ pa rin ang Cordillera Region, Batangas, Tacloban City, Davao City, Davao del Norte, Lanao Del Sur at Iligan City ayon sa Rappler. Kabilang din dito ng Metro Manila sa kabila ng patuloy na pagtatala ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Pinapaalala pa rin ang patuloy na pagsunod sa mga safety protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask at face shield at palagiang pag-disinfect lalo na kung nasa pampubliko at mataong lugar.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa rin sa mga pinaghahandaan ang posibleng pagbabalik paaralan ng mga estudyante. Subalit nilinaw kamakailan ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na kung sakaling matuloy ito, senior high schools ang mauunang mapahintulutang makabalik sa paaralan partikular na ang mga nasa technical at vocational track.

Read also

Beauty Queens na walang make-up sa Negros, hinangaan ng mga netizens

Bagaman at naganap ang ilang dry-run ng face-to-face classes nitong Enero, hindi pa rin pinahintulutan ng pangulo na pabalikin ang mga mag-aaral sa paaralan para na rin sa kanilang seguridad kontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: