Mga tao sa Taal Volcano Island, pinalilikas dahil sa pag-aalboroto ng bulkan
- Pwersahang pinalilikas ng Philippine Coast Guard ang mga mamamayan sa Taal Volcano Island base sa utos ng Batangas PDRRMO
- Batay sa mga report, ito ay dahil sa naiulat na pag-aalboroto ng Bulkang Taal
- Mahigit isang taon na ang nakakaraan nang huling magparamdam ang bulkan
- Matatandaang daan-daang libong mamamayan ang naapektuhan nito at maging ang kanilang mga hanapbuhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pwersahang pinalilikas ng Philippine Coast Guard ang mga mamamayan sa Taal Volcano Island base sa utos ng Batangas PDRRMO.
Batay sa mga report, ito ay dahil sa naiulat na pag-aalboroto ng Bulkang Taal.
Nitong mga nakaraang araw ay nakapagtala ng ilang paggalaw ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkan.
Sinabi ng ahensiya na may mahihinang pagyanig na naitala noong February 15, 2021 bandang 5 a.m. hanggang 3 p.m.
Mas mainit na rin daw ang tubig sa Main Crater Lake at mas acidic.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"These tremor episodes ranged in duration from 2 to 5 minutes and occurred at shallow depths of less than 1 kilometer, signaling increased hydrothermal activity beneath Taal Volcano Island," ayon sa PHIVOLCS.
Simula noong Sabado, February 13 ay nakapagtala na ang ahensiya ng "68 shallow tremor episodes".
"There are increased possibilities of sudden steam-driven or phreatic explosions, hazardous volcanic gas, and minor ashfall from the Main Crater Lake," babala pa ng PHIVOLCS.
January 12 nang huling sumabog ang Bulkang Taal na nasa Batangas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang daan-daang libong pamilya ang naapektuhan nito. Maging ang mga hanapbuhay sa lugar at mga karatig bayan ay apektado rin nito.
Dahil din dito ay nagdeklara ng state of calamity si Pangulong Rodrigo Duterte noong February 2020.
Sa isang report ng KAMI, ilang kabahayan sa Batangas ang nilamon ng lupa dahil sa mga pagyanig sa lugar.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh