Taal Volcano eruption: Ilang kabahayan sa Batangas, nilamon na ng lupa

Taal Volcano eruption: Ilang kabahayan sa Batangas, nilamon na ng lupa

- Halos lamunin na ng buo ng lupa ang ilang kabahayan sa Batangas matapos ang pagbitak-bitak sa lugar

- Ayon sa ilang residente, maliliit na bitak pa lamang iyon nang kanilang iwan

- Ngunit laking-gulat ng mga ito nang tumambad sa kanila ang nakakakilabot na itsura ng kanilang mga pag-aari

- Batay naman sa PHIVOLCS, sa kabila ng pagkalma ng Taal Volcano, mayroon pa ring panganib na nakaamba dahil dito

- Sa katunayan ay halos 800 volcanic eruptions na ang naitala hanggang sa huling 24 oras ayon sa ahensiya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos lamunin na ng buo ng lupa ang ilang kabahayan sa Agoncillo, Batangas matapos ang pagbuka ng mga naglalakihang bitak doon.

Sa ilang larawan na ibinahagi ng News5 sa kanilang Facebook page, makikita ang kalunos-lunos na istura ng lugar.

Ayon sa ilang residente, maliliit na bitak pa lamang iyon nang kanilang iwan noong Lunes matapos ang pagpapalikas sa kanila dahil sa nakaambang panganib.

Ngunit laking-gulat ng mga ito nang tumambad sa kanila ang nakakakilabot na sitwasyon ng kanilang mga bahay.

Sa mga nasabing larawan, kita pa na gumuho ang ilang bahay at makikita rin ang malalaking mga bitak.

Samantala, batay sa pinakahuling update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Linggo, umabot na sa 787 ang naitalang volcanic earthquakes hanggang sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay sa kabila ng bahagyang pagkalma ng Taal Volcano sa mga nakalipas na araw.

Sa isang ulat ng KAMI, sinabi ng PHIVOLCS na nangangamba sila dahil sa mga naitala nilang aktibidad ng bulkan lalo pa at bukas na raw ang magmatic chamber nito.

Patuloy naman daw ang monitoring ng mga awtoridad sa aktibidad ng Taal Volcano na nananatili pa rin sa Alert Level 4.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel