Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, nahaharap na sa disciplinary action

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, nahaharap na sa disciplinary action

- Nakarating na sa management ng MRT-3 ang viral video kung saan nakita kung paano mag-disinfect ang ilan sa kanilang staff

- Maraming netizen ang nabahala sa video lalo na iyong mga sumasakay sa MRT

- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang MRT-3 kaugnay ng insidente

- Sinabi nilang mahaharap sa disciplinary action ang mga staff na nakita sa video

- Siniguro rin ng management na magiging mas mabusisi na sila sa paglilinis at pagdidinfect ng kanilang mga tren coaches

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala pang 24 oras matapos na mag-viral ang video kung saan makikita ang ilang staff ng MRT-3 na tila dinaanan lang sa pagdi-disinfect ang loob ng tren, nakarating na agad ito sa kanilang management.

Nalaman ng KAMI na naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng MRT-3 na naalarma rin sa nakita sa viral video.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

Sa kanila mismong Facebook page, sinabi nilang ilang netizens ang nagpaabot ng pansin sa kanila upang makita ang naturang kaganapan sa loob ng tren.

MRT-3, naghain na ng disciplinary action sa staff sa viral video na "nagdi-disinfect" ng tren
Photo from Kim Justine Obrado
Source: Facebook

Ayon sa management ng MRT-3, kasalukuyan nang nahaharap sa disciplinary action ang mga empleyado na nanakunan ng video.

"We are assuring the riding public that matters have been taken to prevent a repeat of that unfortunate incident and that the personnel involved are now facing disciplinary action."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"The MRT-3 management will not tolerate any breach of health protocols as we stem the spread of COVID-19 while serving the daily transportation needs of commuters."

Mariin din nilang pinaalalahanan ang mga cleaning at disinfecting staff na huwag madaliin at gawin nang maayos ang kanilang tungkulin para sa kaligtasan ng bawat isa.

"The safety and health of MRT-3 passengers will always be our top concerns as we all adjust to meet the requirements of the new normal. Thank you."

Read also

Bea Alonzo, pinasilip ang naipundar na farm sa Zambales

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, patuloy pa rin ang pagpapaalala sa publiko ng ibayong pag-iingat at patuloy na pagsunod sa mga health protocols lalo na at ilang araw nang halos 5,000 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 araw-araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang nakaraang linggo, nagbabala ang PNP na mahigpit nang ipinagbabawal ang "Public Display of Affection" o PDA ng mga magkasintahan o maging ng mga mag-asawa bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica