COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo sa 5,000 sa loob lamang ng isang araw
- Umabot sa 5,000 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa sa loob lamang ng isang araw
- Ito na ang pinakamataas na bilang na naitala mula sa loob ng pitong buwan
- Sa kasalukuyan, mayroon pa ring 56, 679 na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa
- Kahapon, Marso 12 halos nasa 5,000 din ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pumalo ng 5,000 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa ngayong araw, Marso 13.
Ito ang pinakamataas na bilang na naitala sa loob ng pitong buwan sa loob lamang ng isang araw.
Ayon sa Department of Health, ito ay sa kabila ng hindi pagsumite ng pitong laboratoryo ng mga resulta ng test sa tamang oras.
Sa bilang na nabanggit, 92.3% dito ay pawang mga mild cases, 4.3 % naman ang mga asymptomatic, 1.4 % ang severe, at 1.4 % ang nasa kritikal na kondisyon.
Sa ngayon, mayroon nang kabuuang bilang na 56,679 na aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, 281 ang mga naitalang naka-recover ngayong araw habang 74 naman ang mga pumanaw.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Kahapon, Marso 12 naakpagtala ng 4,578 na mga nagpositibo sa COVID-19 na hindi na nalalayo sa mataas na bilang ngayong araw.
Dahil dito, patuloy pa rin ang paalala ng Kagawaran ng mga safety protocols tulad nang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay at disinfection at social distancing.
Bagaman at pinahintulutan na sa publiko ang mga may edad 15 pataas at maging ang mga 65-anyos, pinaaalala pa rin na huwag na munang pumunta sa matataong lugar kung hindi naman kinakailangan lalo na at tumataas na naman ang bilang ng mga tinatamaan ng nakamamatay na virus.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nito lamang nakaraang linggo, nagbabala ang PNP na mahigpit nang ipinagbabawal ang "Public Display of Affection" o PDA ng mga magkasintahan o maging ng mga mag-asawa bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.
Noong nakaraang linggo rin nagsimulang magsidating ang mga COVID-19 vaccines sa Pilipinas kaya umaasa ang publiko na patuloy nang makaka-recover ang bansa sa krisis na dulot ng pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh