Valentine Rosales sa Dacera case: "Ang daming nakikisawsaw sa isyu na ito!'

Valentine Rosales sa Dacera case: "Ang daming nakikisawsaw sa isyu na ito!'

- Pumalag ang mga akusado sa Christine Dacera case sa panibagong mga reklamo ng NBI

- Si Valentine Rosales, isa sa mga akusado, tahasang naglabas ng saloobin

- Aniya, marami na raw nakikisawsaw sa kaso gayung ang pamilya lamang ni Christine ang umano'y kalaban nila

- Maghahain na rin ng counter charges ang kampo ng mga akusado laban sa pamilya Dacera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang araw lamang matapos na mag-file ng NBI ng karagdagang reklamo sa 11 akusado sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera ay nagsagawa ng presscon ang kampo ng mga respondents.

Nalaman ng KAMI na pumalag ang 11 akusado sa mga panibagong kaso ng NBI.

Katunayan, isa sa mga respondents na si Valentine Rosales ay tahasang naglabas ng kanyang saloobin sa mga kaganapan kaugnay sa kaso ni Dacera.

Valentine Rosales sa Dacera case: "Ang daming nakikisawsaw sa isyu na ito!'
Photo from @velentinersls
Source: Facebook
"Ang daming issues na pini-face natin ngayon, bakit dito naka-sentro sa ano, ang kalaban namin is yung family and right now it seems na sila," pahayag ni Rosales.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

"Pero bakit pati 'yung NBI, ang daming may nakiki-ano, nakikisawsaw sa isyu na ito"
"Andaming kailangang tuunan ng pansin ng bansa natin hindi lang 'tong case na 'to"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naghanda na rin ng counter charges ang mga akusado na nabanggit ng legal counsel ng lima sa kanila na si Atty. Mike Santiago.

Giit niyang inosente ang kanyang mga kliyente na wala umanong kinalaman sa biglaang pagpanaw ng flight attendant.

“They are innocent. There’s nothing to amicably settle. You only settle amicably if you think you’re guilty,” dagdag pa ni Santiago.

Perjury, malicious prosecution, libel at incriminating innocent persons nais nilang isampa sa pamilya ni Christine partikular na sa ina nitong si Sharon Dacera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mga akusado sa Dacera case, maghahain ng counter charges laban sa pamilya ng FA

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay si Christine Dacera sa bathtub ng silid kung saan sila nagdiwang Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel.

Agad pa noong inaresto ang tatlo sa mga nakasama ni Dacera subalit napalaya rin ang mga ito dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.

Makalipas ang mahigit dalawang buwan mula nang pumanaw ang flight attendant, patuloy pa rin ang pagtakbo ng kaso lalo na at tuluyan nang kinasuhan ng NBI ang 11 na umano'y may kaugnayan sa kaso ni Dacera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica