Mga akusado sa Dacera case, maghahain ng counter charges laban sa pamilya ng FA

Mga akusado sa Dacera case, maghahain ng counter charges laban sa pamilya ng FA

- Maghahain ng counter charges ang 11 na mga akusado sa kaso ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera

- Ito ay matapos na tuluyan nang irekomenda ng NBI na kasuhan ang mga nakasama na ito ni Dacera

- Ayon sa abogado ng mga akusado, inosente ang kanyang mga kliyente at walang kinalaman sa pagkamatay ng flight attendant

- Dagdag pa nito, apat na kaso ang inihanda ng kanilang kampo laban sa pamilya Dacera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakahanda na ang kampo ng mga akusado sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera na magsampa ng kaso laban sa pamilya ng yumaong flight attendant.

Ayon sa legal counsel na si Atty. Mike Santiago ng limang akusado, maghahain sila ng counter charges matapos irekomenda ng NBI na tuluyan nang kasuhan ang mga respondents sa naturang kaso.

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Mga akusado sa Dacera case, maghahain ng counter charges laban sa pamilya ng FA
Photo from Fund the Truth
Source: Facebook

Sa isinagawang presscon ngayon, Marso 15, apat na kaso ang ihahain sa pamilya Dacera kabilang na rito ang perjury, malicious prosecution, libel at incriminating innocent persons.

“We will also file counter charges against people who are concocting lies one after the other,” ayon mismo kay Santiago.

Giit niyang inosente ang kanyang mga kliyente na wala umanong kinalaman sa biglaang pagpanaw ng flight attendant.

“They are innocent. There’s nothing to amicably settle. You only settle amicably if you think you’re guilty,” dagdag pa ni Santiago.

Samantala ayon naman sa panayam ng GMA News sa abogado ng sinasabing biktima, nirerespeto naman ng pamilya Dacera ang posibleng legal action na gagawin ng mga akusado.

“Insofar as the family is concerned however, there was no malice in their actions,” ayon kay Jose Ledda III, legal counsel ng mga Dacera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Valentine Rosales sa Dacera case: "Ang daming nakikisawsaw sa isyu na ito!'

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay si Christine Dacera sa bathtub ng silid kung saan sila nagdiwang Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel.

Agad pa noong inaresto ang tatlo sa mga nakasama ni Dacera subalit napalaya rin ang mga ito dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.

Makalipas ang mahigit dalawang buwan mula nang pumanaw ang flight attendant, patuloy pa rin ang pagtakbo ng kaso lalo na at tuluyan nang kinasuhan ng NBI ang 11 na umano'y may kaugnayan sa kaso ni Dacera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica