Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

- Naitanong kay Sarah Geronimo sa isang panayam kung totoong hatid-sundo siya ng asawang si Matteo Guidicelli

- Natatawang inamin ni Sarah na naroroon lang si Matteo at nag-aantay sa kanya habang nasa shoot ng kanyang concert sa Araneta

- Ayon pa kay Sarah, buwis buhay ang mga stunts na ginawa niya para sa concert na ito na pinamagatang "Tala The Film Concert"

- Itong concert na ito ay para sa pagdiriwang niya ng kanyang 18th anniversary sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi ikinaila ni Sarah Geronimo kung gaano ka-supportive ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli habang ginagawa niya ang kanyang nalalapit na concert na "Tala The Film Concert."

Sa isang panayam sa kanya ng Pika-pika, sinabi niyang kasama niya si Matteo sa buong oras na ginagawa niya ang nasabing concert na para sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-18 taon sa showbiz.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert
Sarah Geronimo
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Actually, kasama ko po ’yong asawa ko sa buong duration ng concert na Tala.”

May mga kakaibang stunts din umanong gagawin si Sarah na maituturing na buwis buhay. Gayunpaman, nakaalalay naman umano sa kanya si Teacher Georcelle ng G-Force na nakilala sa kanyang mahusay na dance choreography na ginagamit sa mga TV prod at mga concert ng mga artista.

Samantala, marami sa mga netizens ang nakapansin na tila lalong gumaganda si Sarah.

She is more prettier now di na tipid all out na gastos for her. Even her clothes simple still but sophisticated na. Na enjoy na nya ang pinag hihirapan. Her aura is really at peace.
Bakit ang super ganda nya, ang unfair ng life dahil ibinigay nya kang Sarah ang lahat.
Those braces look good on her. Mas lalo syang bumata tingnan

Read also

Piolo Pascual, ipinasilip ang kanyang simpleng "buhay probinsiya"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos niyang maikasal kay Matteo Guidicelli, naging kontrobersiyal ang umano'y pagkakaroon nila ng tampuhan ng kanyang ina. Gayunpaman, sa concert nila ni Matteo kamakailan ay nagbigay siya ng madamdaming mensahe para sa mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel