Piolo Pascual, ipinasilip ang kanyang simpleng "buhay probinsiya"

Piolo Pascual, ipinasilip ang kanyang simpleng "buhay probinsiya"

- Pinasyalan ng mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho si Piolo Pascual sa resthouse nito sa Batangas

- Makikita sa video na ibinahagi sa YouTube channel ni Dra. Belo kung gaano ka hands-on si Piolo sa pag-aayos ng kanyang resort

- Nais umano niyang gawing sustainable at environment-friendly ang lugar na dati ay isang resort

- Aminado din ang aktor na mas na-eenjoy niya ang kanyang buhay sa probinsiya kaysa sa Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binisita ng mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho ang kanilang kaibigang si Piolo Pascual sa resort nito sa Batangas.

Inabutan nila si Piolo na tumutulong sa pagbubungkal at kagaya ng mga taong gumagawa kasama niya, wala din siyang damit na pang itaas.

Piolo Pascual, ipinasilip ang kanyang simpleng "buhay probinsiya"
Piolo Pascual (Photo by Maurizio Gambarini/picture alliance)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Kitang-kita din kung gaano ka hands-on si Piolo sa kanyang pag-aayos maging sa pinakamaliit na detalye kagaya ng mga halaman.

Araw-araw siyang umuuwi doon kahit pa may kailangan siyang gawin sa Maynila. Naroroon din ang malapit na kaibigan ni Piolo, ang direktor na si Joyce Bernal.

Kahit hindi gaanong aktibo sa showbiz, hindi pinapabayaan ni Piolo ang kanyang katawan. Bukod sa hiking ay naglalaan din siya ng oras para makapag-workout.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Giniba niya ang mga building na dating nandoon dahil gusto niyang ayusin ito para maging earth village ito na sustainable at environment-friendly.

Ibinahagi din ni Piolo na natutulog siya sa labas na walang bubong, walang kutson at walang unan.

Ibinahagi din ni aktor na mas gusto niya ang buhay probinsiya kaysa buhay sa Maynila.

Marami ang bumilib sa aktor:

Balik probinsiya! Wow! Again, thanks for the beautiful vlog about Papa P. God bless

Read also

Ogie Diaz, nagbigay ng payo sa mga artista kaugnay sa mga blind item

A very simple man wlang kaarte arte khit super sikat, myaman Pro a very down to earth person, humble n compassionate.
Ang galing naman ni papa P. kahit si papa P need din ng silent moment .

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Piolo Pascual ay kilala bilang isa sa pinakahinahangaang leading man sa showbiz. Ilan sa mga naging kapareha niya sa pelikula at teleserye ay sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angel Locsin, Bea ALonzo, Toni Gonzaga at marami pang iba.

Kamakailan ay nag-donate si Piolo ng 200 na bike para sa bike drive ni Gretchen Ho. Nauna na ring ring naibahagi ni Piolo ang kanyang resthouse sa Batangas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel