Mga respondents ng Dacera case, nananatiling positibo sa kabila ng kontrobersiya
- Kinakitaan ng pagiging positibo ang karamihan sa mga akusado sa kaso ni Christine Dacera
- Sila ang mga huling nakasama ni Dacera na sumalubong noon ng Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel sa Makati City
- Sa kabila ng patuloy na pag-usad ng kaso, hindi nawawalan ng pag-asa ang mga akusado at mapatutunayang wala sila umanong kinalaman sa pagkamatay ni Dacera
- Sa Pebreo 11 pa ang susunod na hearing sa kaso yumaong flight attendant
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nananatiling positibo ang karamihan sa mga respondents ng kaso ni Christine Dacera.
Sa kani-kanilang mga social media pages, makikita ang kanilang post tungkol sa pag-asa at katotohanan na hindi raw malayo na kanilang makamit.
Tulad na lamang sa kanilang Facebook page na 'Fund the Truth.' Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkasama-sama ang siyam na akusado sa kaso ni Dacera.
Sila ang mga nakasama ng flight attendant na nagdiwang ng Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel na nadidiin din sa kaso.
Sa isa sa pinakahuling post nila, may caption itong "Peace can only last where human rights are respected, where the people are fed, and where individuals and nations are free."
Samantala sa Twitter naman ng isang respondent na si Gigo De Guzman, nagbahagi naman ito ng tungkol sa naka-ambang katotohanan sa dulo ng kanila umanong ipinaglalaban.
Si Valentine Rosales naman na isa sa mga matunog sa social media ay nagbahagi rin ng tungkol sa paglabas umano ng katotohanan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Habang si JP Dela Serna naman na nagdiwang ng kaarawan kamakailan ay labis na nagpapasalamat sa mga mensaheng natanggap at naramdaman pa rin umano niya ang pagiging espesyal ng kanyang kaarawan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, ay nasabi mismo ni Rosales na nawalan na umano siya ng trabaho at ang masaklap pa rito, itinakwil na rin daw siya ng sariling ama.
Maging ang veteran singer at negosyante na si Claire Dela Fuente ay umalma na sa bagal umano ng pag-usad ng kaso ng pagkamatay ni Dacera. Giit nilang walang krimen na nangyari at naninindigan sila sa lumabas na 'natural causes' ang dahilan ng pagkamatay ng flight attendant.
Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa bath tub ng tinuluyang silid sa nabanggit na hotel sa Makati.
Enero 10 nang maihatid na siya sa kanyang huling himlayan sa General Santos City.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh