Claire Dela Fuente sa Dacera case: "Walang krimen na nangyari!"

Claire Dela Fuente sa Dacera case: "Walang krimen na nangyari!"

- Naglabas ng saloobin ang veteran singer na si Claire Dela Fuente sa bagal ng pag-usad ng kaso ni Christine Dacera

- Si Dela Fuente ay ina ng isa sa mga akusado na si Gigo De Guzman, isa sa mga huling nakasama ni Dacera bago ito natagpuang wala nang buhay

- Nagpakita ng pagkahabag si Dela Fuente sa iba pang kasama ng kanyang anak na pawang mga respondents din sa kaso ng flight attendant

- Giit ng kampo nina Dela Fuente at siyam pang mga akusado na wala umanong krimen na nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umalma na ang veteran singer na si Claire Dela Fuente sa umano'y mabagal na pag-usad ng kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera.

Si Dela Fuente ay ina ni Gigo De Guzman, isa sa mga respondents ng kaso ng flight attendant.

Valentine Rosales ng Dacera case, sinabing nawalan siya ng trabaho at itinakwil ng ama

Nalaman ng KAMI na naglabas ng saloobin ang veteran singer sa kanyang Facebook page noong Enero 30 lalo na at nahahabag na siya sa sinasapit ng mga akusado na karamihan ay mga breadwinners ng kani-kanilang mga pamilya.

Claire Dela Fuente sa Dacera case: "Walang krimen na nangyari!"

Gregorio De Guzman with mom Claire Dela Fuente (Photo from @clairedelafuente)
Source: Instagram

"Naubos ang pera ng mga bata dahil sa pagbibintang. Kinailangang kumuha ng lawyer para ipagtanggol sila sa pinaka-sensational case na hanggang ngayon mag-iisang buwan na pinagkakaguluhan pa din," panimula ni Dela Fuente.

Nabanggit din nito ang isiniwalat ni Valentine Rosales na itinakwil na umano siya ng kanyang ama at tinanggal na rin daw siya sa kanyang tabaho.

"At ang pinakamabigat NAWALAN NG TRABAHO, NASUSPINDE, TINAKWIL NG AMA, PINALAYAS SA BAHAY NILA, TINANGGALAN NG SASAKYAN, KINAHIYA NG MAGULANG"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang sa panayam kay Rosales, nabanggit nitong dalawang linggo umano siyang kinupkop ni De Guzman at ina nitong si Dela Fuente bago siya mapunta na ngayon sa puder ng kanyang tiyahin.

Only child na transwoman, binigyan ng debut ng supportive parents

Giit ni Dela Fuente, wala umanong krimen na nangyari sa pagkamatay ni Dacera at sinabi nitong hawak nila ang katotohanan.

"Kami ang hawak lang namin at kakampi ay ang KATOTOHANAN!!! WALANG KRIMEN NA NANGYARI!!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa bathtub ng room 2209 ng City Garden Hotel sa Makati.

Isa ang anak ni Dela Fuente na si Gigo De Guzman sa siyam na mga kasama ni Dacera sa nasabing lugar sa pagsalubong nila sa Bagong Taon.

Tatlo sa mga nakasama ni Dacera ay agad na naaresto ng pulisya ngunit pinalaya rin dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel