City Garden hotel employees, labis na apektado sa parusang suspensyon

City Garden hotel employees, labis na apektado sa parusang suspensyon

- Isang video ang nailabas kung saan nagbigay ng saloobin ang mga empleyado ng City Garden Grand Hotel sa Makati

- Ito ay kaugnay ng anim na buwang suspensyon na pinataw sa kanila ng DOT noong Enero 14 dahil sa paglabag nila sa ilang quarantine restrictions

- Labis na apektado ang mga empleyado na lalo na ang may mga pamilya na umaasa sa kanila

- Anila, kakabukas lamang halos nila mula sa ilang buwang pagkakasara dahil sa lockdown, kinailangan muli nilang magsakripisyo ng ilang buwan dahil sa suspensyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal at aminadong hindi maiiwasang sumama ang loob ng ilang mga empleyado ng City Garden Grand Hotel sa Makati kaugnay sa suspensyon na ipinataw ng Department of Tourism sa establisimiyento noong Enero 14.

Maaalalang anim na buwan ang suspensyon ng nasabing hotel, P10,000 fine at pagbawi ng certification to operate ang kanila ngayong kinahaharap.

Read also

Lovely Abella, umalma sa bashers ukol sa gown na bigay ni Kathryn

Ito ay dahil sa paglabag nila sa DOT Administrative Order No. 2020-002-C kung saan mahigpit na ipinagbabawal na tumanggap ng ibang bisita ang isang hotel lalo na kung ito ay pawang para lamang sa "leisure purposes" habang ginagamit ito bilang isang quarantine facility.

City Garden Hotel employees, labis na apektado sa 6 na buwang suspensyon
Photo from City Garden Grand Hotel
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang ang hotel na ito sa Makati ang lugar kung saan nagdiwang ng Bagong Taon ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera kasama ang kanyang mga kaibigan at kalaunan ay natagpuan siyang walang buhay sa silid na kanilang tinuluyan.

Dahil umano sa insidente, apektado ang kabuhayan ng mga empleyado ng naturang hotel lalong-lalo na ang mga mayroong pamilya na pawang sila ang bumubuhay.

Halos pare-pareho ang kanilang hinaing at umaasang hindi tatagal gaya ng inaasahan ang pagtigil ng operasyon ng hotel. Ito ay dahil hinayaan naman sila ng DOT na umapela.

Read also

Kampo ni Christine Dacera, sinagot ang alegasyong P2M insurance claim ang habol nila

“The hotel has the right to appeal within the period prescribed by the DOT rules and regulations,” ayon sa ulat ng Inquirer kaugnay ng supensyon.

Narito ang video na binahagi ni Tony Balasi sa kanyang YouTube channel kung saan makikita ang mga reaksyon ng empleyado:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enero 1 ng tanghali nang matagpuang wala nang buhay si Christine Dacera sa bathtub ng kanilang silid sa City Garden Grand Hotel sa Makati.

Tatlo sa kanyang mga kasama ang agad na inaresto subalit napalaya rin dahil umano sa kakulangan ng ebidensya kaugnay ng kanyang kaso.

Bukod sa mga nakasama ni Dacera sa silid, naimbitahan at sumipot na rin ang sinasabing 13 katao na mula sa isa pang kwarto na makailang beses na binalikan ng flight attendant bago ito matagpuan umanong wala nang malay.

Read also

Sec. Harry Roque, sinagot ang mga trending na isyung kinasangkutan niya

Nailibing na si Dacera noong Enero 10 sa General Santos City.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica