Mga akusado sa Dacera case, nag-react sa bagong medicolegal report

Mga akusado sa Dacera case, nag-react sa bagong medicolegal report

- Naglabas ng saloobin ang ilan sa mga akusado sa Christine Dacera case matapos na mailabas ang pinakabagong medicolegal report mula sa PNP

- Bagaman at lumabas pa rin na natural causes ang ikinamatay umano ni Dacera, aminado ang mga akusado na hirap pa rin ang kanilang kalooban

- Malaki na umano ang naging epekto ng kasong ito sa kani-kanilang mga buhay

- Hiling din nila na sana'y matanggap na ng ina ni Christine na wala umanong krimeng naganap sa pagkamatay ng anak

- Umaasa ang mga akusado na isang araw ay malilinis nila ang kanilang mga pangalan at makabalik na sa normal ang kanilang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mailabas ang pinakabagong medicolegal report ng Philippine National Police kaugnay sa kaso ni Christine Dacera, nagpaunlak ng panayam ang dalawa sa mga akusado na sina Clark Rapinan at Gregorio "Gigo" de Guzman.

Read also

Kampo ni Dacera, giit na may krimen umano sa pagkamatay ni Christine

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng lumabas sa medicolegal report na 'natural causes' ang ikinamatay ni Dacera, hirap pa rin ang mga akusado.

“The damage has been done,” ang giit ni De Guzman. Marami pa rin umano ang diskumpiyado sa lumabas na dahilan ng pagkamatay ni Dacera kabilang na rito ang ina na si Sharon.

Mga akusado sa Dacera case, nag-react sa pinakabagong medicolegal report
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

“For now, all we want is for it to be over because we’ll move on with our lives," dagdag pa niya.

"We still have sleepless nights, we're still anxious, of course 'yung stress, we are not working, 'di pa rin namin alam kung pano kami maghe-headstart," emosyonal na pahayag ni Rapinan sa panayam sa kanila ni Karen Davila sa programa nitong Headstart at ANC.

Nilarawan pa ni Clark na "sirang-sira" na umano ang kanilang mga buhay sa nangyari.

Maging ang kanilang mga pamilya ay apektado na rin. Isa pa sa kanilang idinadaing ay ang kawalan nila ng hanapbuhay habang umuusad ang kaso.

Read also

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Basically 'yung buhay namin sobrang damaged na, na hindi namin alam paano magsisimula ulit. Sobrang hirap, sana po maawa na kayo sa amin,” paliwanag ni Clark.

Samantala, hindi man nakasama sa panayam, nagpabatid naman ng malamang mensahe si Valentine Rosales, isa sa akusado at huling nakasama ni Christine bago ito bawian ng buhay.

Sa kanyang Instagram post, sinabi niya ang katagang "A Single Truth can defeat a Thousand Lies!"

Sa Pebrero 3 gaganapin ang susunod na hearing sa kaso ni Dacera.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Karen Davila kina Galido at De Guzman:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera.

Read also

Tao sa rm. 2207 ng Dacera case, nag-react sa sabi ni Valentine Rosales

Naaresto ang tatlo sa mga huli niyang nakasama sa kanilang party na ginanap sa room 2209 ng City Garden Grand Hotel sa Makati City. Napalaya rin ang mga ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Enero 10 nang maihatid na sa huling hantungan si Dacera sa General Santos City.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica