Kampo ni Dacera, giit na may krimen umano sa pagkamatay ni Christine

Kampo ni Dacera, giit na may krimen umano sa pagkamatay ni Christine

- Naniniwala pa rin ang pamilya ni Christine Dacera na mayroong krimeng naganap sa kanyang pagkamatay

- Ito ay sa kabila ng paglabas ng medico legal report ng PNP na nagsasabing natural ang dahilan ng pagkamatay ng flight attendant

- Isinantabi na rin ang umano'y pagpatay kay Dacera dahil ang aortic anéurysm ay isang medical condition

- Hindi rin umano maaring maging dahilan ang pag-inom o ang paggamit ng droga sa kondisyon ng pagkamatay ni Dacera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanindigan umano ang pamilya ni Christine Dacera na mayroon umanong krimen sa pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant.

Nagpaunlak ng panayam ni Atty. Jose Ledda III kay Emil Sumangil ng 24 Oras, GMA News kaugnay sa reaksyon at panig ng pamilya ni Dacera.

Pamilya ni Dacera, giit na may krimen sa pagkamatay ng flight attendant
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

"Ang accusation ng family is that there is a crime,” ayon sa abogado.

Read also

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

“We always base our moves and actions sa documents na hawak namin, but it doesn’t mean that the family counsel will not exhaust possible remedies para ma-seek ‘yong justice na hinahanap ng pamilya,” dagdag pa ni Ledda.

Ito ay matapos na ilabas na ng Philippine National Police ang medico legal report na nagsasabing ruptured aortic anéurysm ang dahilan ng pagkamatay ni Dacera.

Isinantabi na rin nila ang homicidé dahil natural cause ang ikinamatay ng flight attendant.

Hindi rin umano maaring maging dahilan ang pag-inom ng alak o maging ang paggamit ng droga sa sanhi ng pagpanaw ni Dacera.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa report, sinabi ring maaring matagal nang mayroong anéurysm ang dalaga. Mayroon din itong hypertension na hindi pa umano naiko-konsulta sa doktor noon.

May bigat na 500 gm ang puso ni Christine na malayo sa normal na 300 gm.

Read also

Babaeng inakalang namatay sa COVID, muling nagbalik sa piling ng asawa

Base pa sa report ng PNP crime lab, nakita ang anéurysm sa descending aorta, ang pababang bahagi ng malaking ugat sa puso.

Pumutok daw ito dahil high blood si Christine ilang oras bago siya bawian ng buhay.

Nang mangyari ito, naubusan na siya ng dugo at ang malala, inatake na rin ito sa puso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay si Christine Dacera sa bathtub ng silid kung saan sila nagdiwang Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel.

Agad pa noong inaresto ang tatlo sa mga nakasama ni Dacera subalit napalaya rin ito dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.

Naihatid na sa huling hantungan si Dacera noong Enero 10 sa General Santos City.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica