Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho
- Kamakailan ay nag-viral ang video ng cleaning staff ng MRT-3 na di maayos ang paglilinis sa loob ng tren
- Agad itong nakarating sa pamunuan ng MRT-3 at sinabing bibigyan ng kaukulang disciplinary action ang mga empleyado
- Ilang araw lang ang lumipas ay tuluyan nang sinibak sa trabaho ang mga cleaning staff na nakunan ng video
- Nakarating na rin ang video sa programa ni Tulfo at nagmungkahi ito na lagyan na ng CCTV maging ang loob ng mga tren
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ilang araw lamang matapos na mag-viral ang video mga cleaning staff ng MRT-3 ay tuluyan na itong sinibak sa trabaho.
Matatandaang nito lamang March 13 ay ibinahagi ng netizen na si Kim Justine Obrado ang nakunan umano niyang mga cleaning staff na 'di maayos na "nililinis" ang loob ng tren.
Mapapansing tila dinaanan at parang nilaro lamang umano ng mga naglilinis ang hand rails ng tren na sana'y masusing dini-disinfect para sa kaligtasan ng mga pasahero kontra COVID-19.
Labis itong ikinabahala ng mga netizens lalo na ang mga sumasakay sa MRT-3.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Mabilis naman itong nakarating sa pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 at sinabing binigyan na nila ng kaukulang disciplinary action ang mga staff na nakunan ng video. Naglabas din sila ng opisyal na pahayag kaugnay sa insidente sa kanilang Facebook page.
Subalit ilang araw lang ang lumipas, mismong ang Sumitomo-MHI-TESP o ang maintenance provider ng MRT-3 ang nagdesisyon na tuluyan nang tanggalin sa trabaho ang mga trabahador na kitang-kita umano ang kapalpakan na maaring magresulta sa kapahamakan ng kanilang mga pasahero.
"We apologize for the incident regarding members of the disinfection team not properly doing their job."
"We will relieve the staff involved within the day while we are proceeding with the admin case. Meanwhile, we have notified all team members to always observe proper disinfection as they were trained to do."
"We are also deploying two additional staff to ensure that they are properly supervised," pahayag ni TESP Administration Manager Toto Domingo nitong Lunes, Marso 15 na ibinahagi rin ng CNN Philippines.
Samantala, nakarating na rin sa programa ni Raffy Tulfo ang viral video na ito at maging siya ay naalarma sa nakitang paraan ng "paglilinis" ng mga staff.
Iminungkahi nito na palagyan sana ng CCTV maging ang loob ng tren upang makita di lamang ang paglilinis nito kundi para na rin sa seguridad ng mga sumasakay doon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Mabilis na nag-viral ang video na ibinahagi ni Kim Justine Obrado sa umano'y nasaksihan niyang pagdi-disinfect ng loob ng MRT-3. May pabirong caption pa ito na "Disinfectionism what?", at talagang labis na ikinabahala ng publiko ang nakita sa video.
Agad namang umaksyon ang MRT-3 at sinabing sisiguraduhing mananagot ang mga cleaning staff na hindi ginagawa ang trabaho nila ng maayos.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh