Video ng pagdi-disinfect ng ilang tauhan ng MRT3, ikinabahala ng mga netizens
- Nag-viral ang video kung saan makikita kung paano i-disinfect ng ilang tauhan ng MRT3 ang loob ng tren
- Pagkalabas ng lahat ng mga tao, makikita ang dalawang lalaki na naka-PPE, naka-face mask at shield at may hawak na mga pamunas
- Mayroon din silang pang-spray na ginagamit nila habang dumadaan sa kahabaan ng tren
- Subalit naalarma ang mga netizens na tila dinaanan lang talaga ng mga tauhan ng MRT3 ang loob ng sasakyan ngunit hindi maayos ang pagkakalinis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-pansin sa social media ang video ng pagdidisinfect ng mga tauhan ng MRT3 sa loob ng tren.
Sa post ni Kim Justine Obrado na may pabirong caption na "disinfectionism what?" makikita ang dalawang tauhan ng MRT3 na nakasuot ng PPE, may face mask at face shield at may hawak na pamunas at may dalang pang-spray.
Pagkalabas ng mga tao mula sa tren, dumaan ang mga tauhan na nag-spray ng sinasabing disinfectant at bahagyang pinupunasan ang mga nadaraanang hand rails subalit di gaanong napunasan ang mga upuan.
Dahil dito, nalaman ng KAMI na naalarma ang publiko nang makita ang naturang video at nangamba para sa kanilang kalusugan lalo na ang mga sumasakay ng MRT.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"Parang naglalaro lang po ah? Ayusin po sana natin kasi 'pag nagkaroon ng COVID-19 diyan, kayo rin ang mawawalan ulit ng trabaho"
"Paano po ba dapat ang tamagn paglilinis? baka naman spray lang talaga enough na?"
"Kung nagmamadali, kaya pa namang mapunasan yan ng maayos tutal dalawa naman sila tag-isang side sila"
"Marami ang pwedeng magkasakit sa ginagawa po ninyo, pakiayos naman!"
Samantala, nakarating na sa pamunuan ng MRT3 ang naturang video at sisiguraduhin umano nilang mabibigyan ng disciplinary action ang mga staff sa viral video
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Nito lamang Marso 12 at 13 pumalo sa mahigit 4,500 at 5000 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw. Nangangahulugan lamang na patuloy ang paglaganap ng virus kaya naman nararapat paring mag-ingat at sumunod sa mga safety protocols.
Matatandaang nitong nakaraang linggo, nagbabala ang PNP na mahigpit nang ipinagbabawal ang "Public Display of Affection" o PDA ng mga magkasintahan o maging ng mga mag-asawa bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh