Pinay sa US, nagkaroon ng sakit sa dugo matapos mabakunahan ng COVID vaccine
- Nagkaroon ng pambihirang sakit sa dugo ang isang Pilipina sa Amerika matapos itong mabakunahan ng COVID-19 vaccine mula sa Moderna
- Isang araw lang ang nakalipas nang makaranas ng pagdurugo sa kanyang bibig at ilong, nagkaroon ng pasa sa braso at binti at rashes sa buong katawan ang Pinay
- Ayon sa mga reports, lumalabas na ang sakit na ito ay tinatawag na Immune thrombocytopenia
- Dahil dito, hindi na ibibigay sa Pinay ang ikalawang dose ng vaccine na nakatakda sana sa February 23
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Laking-pasalamat ng 72-anyos na si Luz Legaspi sa itinuturing niyang ikalawang buhay matapos siyang makaligtas sa isang pambihirang sakit sa dugo.
Batay sa report ng 24 Oras, nakaranas ng pagdurugo sa kanyang bibig at ilong, nagkaroon ng pasa sa braso at binti at pagkakaraoon ng rashes sa buong katawan si Luz.
Isang araw matapos siyang mabakunahan ng COVID-19 vaccine mula sa Moderna noong January 18, 2021 sa Amerika kung saan siya naninirahan.
Ayon kay Luz, wala raw siyang ibang naramdaman noong bakunahan siya ngunit laking-gulat na lamang daw niya pagkagising kinabukasan.
"'Pag gising ko nang umaga, nang magsepilyo ako, 'pag mumog ko puro dugo na ang bibig ko. Nang ngumanga ako, palibot na 'yung aking bibig ng mga namuong dugo. Pati dila ko meron ng buong dugo sa dila ko at hindi na tumitigil 'yung pagdurugo ng bibig ko. Pati ilong ko nagdudugo na," pagbabahagi pa nito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ayon sa mga reports, lumalabas na ang sakit na ito ay tinatawag na Immune thrombocytopenia o pagbaba ng platelets sa dugo ng tao.
Dahil dito, hindi na ibibigay kay Luz ang ikalawang dose ng vaccine na nakatakda sana sa February 23.
Ayon sa mga doktor, hindi na ito kakayanin ng katawan ni Luz. Ganunpaman, hindi raw nagsisisi si Luz na nagpabakuna siya.
Sabi sa report, hindi na nagbigay ng komento ang Moderna tungkol sa sakit ngunit patuloy daw ang kanilang pag-aaral sa epekto ng kanilang bakuna.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa bansa, patuloy pa rin ang paghihintay sa mga bakuna kontra-COVID 19. At kahit pa meron na nito, nagpaalala ang isang doktor sa publiko ukol sa pagpapanatili ng minimum health protocols.
Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isang ginang naman na inakalang nasawi dahil sa COVID ang muling nagbalik matapos ang 10 araw.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh