Vicki Belo, dinasalan si Hayden Kho na noo'y "na-coma" sa tindi ng kontrobersiya

Vicki Belo, dinasalan si Hayden Kho na noo'y "na-coma" sa tindi ng kontrobersiya

- Isiniwalat ng mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo ang ilan pa sa mga matitinding pinagdaanan ng kanilang relasyon

- Ikinuwento rin nila kung ano ang mga pinagdaanan ng kanilang pagsasama mula nang magkakilala sila hanggang sa ngayong mag-asawa na sila

- Ibinunyag din ni Belo na tatlong araw na hindi gumigising si Kho sa pagtatangkang kitilin ang sariling buhay

- Kaya naman laking pasalamat ni Kho sa kanyang misis na hindi siya iniwan sa panahong matindi ang kanyang pagsubok sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa latest vlog ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel na Toni Talks, pinaunlakan siyang makapanayam ang tinawag niyang "power couple" na sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.

Nalaman ng KAMI na isiniwalat ng mag-asawa ang ilan pang mga detalye sa kanilang buhay na di na nalalaman ng karamihan.

Driver na naglabas ng hinaing sa kanyang pasaherong may alagang aso, viral

Ikinuwento nila kung paano sila nagkakilala hanggang sa naging magkaibigan.

Vicki Belo, dinasalan si Hayden Kho na "na-coma" sa tindi ng dinaanang kontrobersiya

Dr. Vicki Belo at Hayden Kho (@victoria_belo)
Source: Instagram

Katunayan, nang bago pa lamang ang kanilang relasyon, si Vicki pa umano ang nagkumbinsi kay Hayden na sumali sa "Celebrity Duets" ng GMA. Ito ay upang unti-unti nang maisapubliko na ang kanilang relasyon.

Subalit ito rin umano ang labis na pinagsisihan ni Vicki sapagkat ito rin ang simula ng matinding kontrobersiyang pinagdaanan ni Hayden.

"Definitely there's a lot of humiliation, a lot of fear and there's a feeling of desperation na what am I gonna do to fix this... It's a roller coaster of emotions," pagbabalik tanaw ni Hayden.

Aminado rin ito na sa tindi ng mga pambabatikos at panghuhusga na kanyang natanggap dahil sa matinding iskandalong kinasangkutan, ninais na niyang kitilin ang kanyang buhay.

Sa kabila ng mga pangyayari, pinili pa rin ni Vicki na alagaan at alalayan si Hayden kahit sila ay naghiwalay na.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Hayden Kho, ibinunyag na nakipaghiwalay si Vicki Belo bago sila ikasal

"What people don't know, parang for 3 days he didn't wake up... when he wakes up he might be a vegetable," kwento ni Vicki tungkol sa pinagdaanan ni Hayden na umano'y na-coma.

Dinaan daw niya sa matinding pagdarasal ang kalagayan noon ni Hayden. Sinabi pa raw ni Vicki na kapag nagising si Hayden, hinding-hindi na niya ito iiwan.

Kinabukasan, tila himala ang nangyari at nagising si Hayden na maayos ang kondisyon, taliwas sa sinabi ng kanyang doktor na maari na siyang maging gulay.

Dahil dito labis ang pagpapasalamat niya kay Vicki kung saan naramadaman niya ang tunay na pagmamahal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Dr. Vicki Belo ay kilalang dermatologist at television personality sa Pilipinas. Siya rin ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group. Siya ang misis ng isa ring doktor na si Hayden Kho at nabiyayaan sila ng isang anak na si Scarlet Snow.

LizQuen ibinahagi na respeto ang sekreto ng kanilang matatag na relasyon

Nag-viral din ang makulit na baking session nila ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kung saan nabanggit ng celebrity doctor kung gaano ka-sweet si Matteo Guidicelli sa kanyang misis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel