Vicki Belo at Hayden Kho, game na game sa "totropahin o jojowain" challenge

Vicki Belo at Hayden Kho, game na game sa "totropahin o jojowain" challenge

- Kumasa na rin ang celebrity doctor na si Vicki Belo at mister nitong si Hayden Kho sa "totropahin o jojowain challenge"

- Sa umpisa ng video, nabanggit kaagad ni Dra. Belo na sana'y hindi raw sila mag-away ng mister sa gagawing challenge na ito

- Nagbiro pa umano si Hayden na tila pinagpawisan siya sa pagsagot nang banggitin na ang mga pangalan ng ilang female celebrities

- Subalit lumabas pa rin na talagang kilala na nila ang bawat isa at alam na nila ang isasagot ng bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Game na game na kumasa sa "totropahin o jojowain" challenge ang mag-asawang sina Vicki Belo at Hayden Kho sa latest vlog ng celebrity doctor.

Nalaman ng KAMI na "napilit" umano ng ni Dra. Belo ang kanyang mister na gawin ang challenge na ito at sa umpisa pa lang ng video, nabanggit na niya na sana'y hindi sila mag-away.

Bugoy Drilon, emosyonal sa muling pagtatanghal sa "It's Showtime"

"Si Hayden kasi magaling sa totropahin muna bago jojowain," pambibisto ng doktora sa kanyang mister.

Vicki Belo at Hayden Kho, game na game sa "totropahin o jojowain" challenge

Dr. Vicki Belo at Hayden Kho (@victoria_belo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Una munang tinanong si Hayden kung saan karamihan ng female celebrities na nabanggit ay kanya raw totropahin dahil kaibigan naman daw talaga nila ang mga ito tulad nina Angel Locsin, Anne Curtis at Lovi Poe.

Ngunit nang binanggit na ang pangalan ni Hollywood Star na si Nathalie Portman, inamin ni Hayden na "jojowain" niya talaga ito.

Katunayan, ibinahagi pa niya ang close encounter niya sa kilalang aktres subalit hindi siya napaunlakan nito na magpa-picture sa kanya.

Nang si Dra. Belo naman ang natanong, karamihan din sa mga sagot niya at totropahin maliban sa football star na si David Beckham na talaga raw "jojowain" niya.

Sa reaksyon ng celebrity doctor, natakpan pa ni Hayden ang bibig ng misis at sinabing sana mapanood ng kanilang anak na si Scarlet ang video na iyon balang araw.

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, bibida bilang Steve at Jamie sa Voltes V

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng makulit na video mula sa Dr. Vicki Belo YouTube channel:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Dr. Vicki Belo ay kilalang dermatologist at television personality sa Pilipinas. Siya rin ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group.

Siya ang misis ng isa ring doktor na si Hayden Kho at nabiyayaan sila ng isang anak na si Scarlet Snow.

Nag-viral din ang makulit na baking session nila ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kung saan nabanggit ng celebrity doctor kung gaano ka-sweet si Matteo Guidicelli sa kanyang misis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel