Vicki Belo, saksi kung gaano kaalaga at ka-sweet si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo

Vicki Belo, saksi kung gaano kaalaga at ka-sweet si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo

- Ibinuking ni Vicki Belo kung gaano talaga ka-sweet sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa isa't isa

- Napakwento rin ni Belo si Sarah ng buhay may asawa niya ngayon na halos mag-iisang taon na silang kasal ni Matteo

- Hangang-hanga ang celebrity doctor sa young couple na nakakasama na rin nila sa ilang family trips

- Ipinakita rin ni Sarah ang kanyang baking skills sa naturang video habang nakikipagkwentuhan at nakikipagkulitan kay Dra. Belo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang makulit at masayang baking session ang ibinahagi ni Sarah Geronimo kasama ang celebrity doctor na si Vicki Belo sa YouTube channel nito.

Nalaman ng KAMI na banana bread ang napiling ipamalas ni Sarah sa vlog ni Dra. Belo.

Bukod dito, masayang nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa buhay may asawa ng Pop Star Royalty.

Awra Briguela, dinipensahan ang kaibigang si Zeinab Harake sa mga bashers
Vicki Belo, saksi kung gaano kaalaga at ka-sweet si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo

Sarah Geronimo Photo from @justsarahgph
Source: Instagram

Isa kasi si Dra. Belo sa mga saksi kung gaano ka-sweet nina Sarah at mister nitong si Matteo Guidicelli sa isa't isa.

Matatandaang nakasama nila ang young couple sa Amanpulo trip nila kamakailan.

Kwento ng celebrity doctor, halos inaway pa umano niya ang kanyang asawa na si Hayden Kho dahil sa napapansin niya kina Sarah at Matteo.

"Nag-away kami ni Hayden eh, sabi ko bakit si Matteo alagang-alaga si Sarah ako iniiwan mo?" makulit na kwento ni Dra. Belo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Natutuwa rin daw siya sa kung gaano kasegurista sina Sarah at Matteo sa mga bagay-bagay maging sa mga binibili nilang gamit para sa kanila.

"Sobrang newly-weds ang dating, pag nagshopping lahat ng presyo tinitingnan!" pagbubuking ng doktora.

Naikwento rin ni Sarah na bumukod na sila ni Matteo at nagrerenta na ng sarili nilang bahay.

Jessy Mendiola, ikinuwento ang dahilan ng pagkasira ng engagement moment nila

Pinayuhan naman sila ni Dra. Belo na huwag munang mag-baby at i-enjoy muna ang buhay mag-asawa.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Dr. Vicki Belo YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Dr. Vicki Belo ay kilalang dermatologist and television personality sa Pilipinas. Siya rin ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group. Siya ang misis ng isa ring doktor na si Hayden Kho ay nabiyayaan sila ng isang anak na si Scarlet Snow.

Kamakailan, ang mag-asawang sina Jason Francisco at Melai Cantiveros naman ang naging panauhin ni Dra. Belo sa kanyang vlog. Laking gulat ng celebrity couple nang mapakain nila ng street foods ang doktora.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel