Bugoy Drilon, emosyonal sa muling pagtatanghal sa "It's Showtime"

Bugoy Drilon, emosyonal sa muling pagtatanghal sa "It's Showtime"

- Naluha si Bugoy Drilon sa muling pagbabalik entablado niya sa Kapamilya Network partikular na sa It's Showtime

- Si Bugoy ang celebrity singer sa "Hide and Sing" segment noong Pebrero 10 sa nasabing noontime show

- Agad na napansin ng mga It's Showtime hosts ang pagiging emosyonal ni Bugoy na talagang hindi na niya napigilan

- Si Bugoy ay produkto ng isa sa mga patok na reality show ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy noong 2008

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang napaluha ang R&B singer na si Bugoy Drilon sa muling pagkanta niya sa entablado ng It's Showtime.

Nalaman ng KAMI na si Bugoy ang mystery celebrity singer ng segment na "Hide and Sing" ng nasabing noontime show.

Tama ang hula sa kanya ng mga contestants na sina Belle Mariano at Gillian Vicencio kahit medyo binabago pa ni Bugoy ang kanyang boses.

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, bibida bilang Steve at Jamie sa Voltes V
Bugoy Drilon, emosyonal sa muling pagtatanghal sa "It's Showtime"

Bugoy Drilon (@bugoydrilon)
Source: Instagram

Nang kanyang tanggalin ang mask, agad na napansin ni Kim Chiu na tila naluluha na si Bugoy.

"Madlang people, I miss you all. I’m so happy to be here and to see all of you," agad na nasabi ni Bugoy at hindi na napigilan ang kanyang pag-iyak.

"Sa sobrang happy ko, naiyak na ako. Na-miss ko kayo. Kanina pa ako nanginginig… It’s really nice po to be back," dagdag pa ng singer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Masaya naman siyang na-welcome muli ng iba pang host tulad nina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro at Ryan Bang.

Isa umano si Bugoy sa mga artist na naapektuhan ng pagsasara ng ABS-CBN. Dahil dito, nag-guest na rin muna siya sa shows ng ibang network tulad ng "Eat Bulaga" at “Sunday Noontime Live" ng TV5.

Kaya naman ganoon na lamang daw ang saya ni Bugoy sa muli niyang pagbabalik sa ABS-CBN makalipas ang ilang buwan.

Geneva Cruz, pumalag sa pambabatikos sa kanya ng ilang netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Bugoy Drilon ay isa sa mga kilalang R&B singers sa bansa. Nadiskubre ang kanyang talento sa reality show ng ABS-CBN noon 2008 ang "Pinoy Dream Academy."

Noong nakaraang taon, nasangkot umano si Bugoy sa kontrobersiya kaugnay sa isang komento sa pagsasara ng ABS-CBN na agad naman nilang nilinaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel