LizQuen ibinahagi na respeto ang sekreto ng kanilang matatag na relasyon

LizQuen ibinahagi na respeto ang sekreto ng kanilang matatag na relasyon

- Ibinunyag nina Liza Soberano at Enrique Gil ang sekreto kung papaano nila napapanatiling matibay ang kanilang relasyon

- Ayon sa kanila ay respeto ang isa sa mga dahilan kung bakit sila tumagal sa isa’t isa

- Ibinahagi rin nila na tinitiyak nilang magkakaayos sila bago maghihiwalay ng landas o matutulog sa tuwing may hindi pagkakaunawaan

- Sinabi rin nila na pareho nilang gustong palaging kasama ang isa’t-isa at kanilang mga pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng LizQuen, o nina Liza Soberano at Enrique Gil, ang sekreto sa kanilang matatag na relasyon at ibinunyag nila ang kanilang dream project.

LizQuen ibinahagi na respeto ang isa sa mga sekreto ng kanilang matatag na relasyon
LizQuen (Photo credit: @lizasoberano)
Source: Instagram

Sa isang panayam sa kanila ng Los Angeles-based magazine na Vulkan ay nai-kuwento nina Liza at Enrique kung paanong nahubog ang kanilang galing sa pag-arte.

Marami na rin silang mga naging proyekto nang magkasama pero sabi nila doon nila natuklasan na i-level up ang kanilang talento sa pag-arte simula nang tinanggap nila ang proyektong “Alone/Together”.

Read also

Ruffa Gutierrez handang makipag-ayos sa dating asawa na si Yilmaz Bektas

Ayon kay Enrique, ito ang pinakaunang mature movie nila at kinakabahan sila noon kung magugustuhan ba ng kanilang fans ito kasi nasanay ang mga tao na romantic-comedy projects ang tinatanggap nila.

Pero napawi naman lahat ng kanilang kaba at pag-aalala nang magustuhan naman ng publiko ang istorya nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinabi rin nila na may weird obsession sila sa mga zombies at ito ang kanilang dream project.

Nang tinanong sila kung ano ang sekreto ng matatag na love team nila ay sumagot naman si Liza na dahil ito sa kanilang respeto sa bawat isa.

“I guess we just have so much respect for each other,” pahayag ni Liza.

Sinabi rin ni Liza na pareho sila ni Enrique na laging gustong makasama ang isa’t isa at ang kanilang mga pamilya kasi ayaw nilang mapag-isa.

Read also

Sophie Albert, nagdadalang-tao na sa panganay nila ng kasintahang si Vin Abrenica

“I guess we just have so much respect for each other,
“He likes being with me. He likes being with his family. I am the same way.
“I don’t like being alone and I really enjoy his company.” sabi ni Liza.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Idinagdag din ng dalaga na kapag nagkakasagutan sila o may hindi pagkakaintindihan ni Enrique ay hindi daw ito pumapayag na umalis o matulog nang hindi sila nagkakaayos.

Anim na taon na sila at hanggang ngayon mas tumatatag pa ang relasyon ng dalawa.

“It’s just crazy we have made it this far. Well it’s not crazy that we have made it this far. We are going really strong,” sabi ng LizQuen.

Anim na taon na ring magka-love team sina Liza Soberano at Enrique, nang magsimula sila noong 2013.

Read also

JaMill, ibinahagi ang plano nila sa pagkakaroon ng mga anak at pagpapakasal

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang LizQuen ay ang tawag sa love team nina Liza Soberano at Enrique Gil. Isa ito sa mga pinakasikat na tambalan ngayon sa Philippine showbiz.

Noong isang buwan ay napaulat ang napaka-sweet na birthday message ni Enrique para sa girlfriend na si Liza. At matatandaan na naging viral dati ang selebrasyon ng kanilang anibersarsyo dahil sa kanilang mga romantic na mensahe para sa isa’t-isa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel