JaMill, ibinahagi ang kanilang plano tungkol sa pagkakaroon ng sariling pamilya at pagpapakasal

JaMill, ibinahagi ang kanilang plano tungkol sa pagkakaroon ng sariling pamilya at pagpapakasal

- Sumabak sa isang masayang usapan ang sikat na YouTube couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad

- Nakapanayam sila ni Toni Gonzaga sa YouTube channel ng TV host-actress na kanyang ibinahagi ngayong Valentine's Day

- Ibinahagi ng tambalang JaMille ang kanilang mga plano tungkol sa kanilang pagbuo ng sariling pamilya

- Naitanong din sa kanila kung may balak na silang magkaroon ng kanilang sariling anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, isang panayam sa sikat na YouTube couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ang ibinahagi ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel.

Bilang kabilang sa mga pinakasikat na YouTube content creator, marami sa kanilang mga tagahanga ang sumusubaybay sa kaganapan sa dalawa na kanilang ibinabahagi sa mga video na kanilang ginagawa.

JaMill, ibinahagi ang kanilang plano tungkol sa pagkakaroon ng sariling pamilya at pagpapakasal

Photo from Camille Trinidad (@camilleptrinidad)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gwen Zamora at basketball player na si DJ Semerad, ikinasal na sa France

Ilan sa mga naitanong ni Toni sa kanila ay tungkol sa kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan at kung ano ang pinakanagustuhan nila sa isa't-isa.

Apat na taon na ang kanilang relasyon. Bahagi nila, sa unang pagkikita nila ay marami ding mga influencer na naroroon.

Ayon sa kanila, handa naman na sila kung sakaling mabiyayaan na sila ng anak sa kasalukuyan. Si Camille umano ang sobrang matutuwa pag nangyaring magkaroon sila ng baby.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Gayunpaman, hangga't maaari mas gusto nila umanong makasal sana muna bago pagplanuhan ang pagkakaroon ng pamilya. Bilang nasanay na rin sa komento ng publiko, natutunan na ng dalawa kung paano harapin ang mga kritisismo ng mga tao.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Ang Tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.

Sophie Albert, nagdadalang-tao na sa panganay nila ng kasintahang si Vin Abrenica

Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.

Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel