Gwen Zamora at basketball player na si DJ Semerad, ikinasal na sa France

Gwen Zamora at basketball player na si DJ Semerad, ikinasal na sa France

- Ikinasal na ang aktres na si Gwen Zamora sa basketball player na si DJ Semerad

- Hindi kagaya sa karamihang artistang kinakasal, nakasuot lang ng kanilang winterwear ang dalawa

- Maging ang kanilang anak na si Cooper ay naroroon din sa mahalagang araw para sa kanila

- Matatandaang Mayo ng taong 2019 naganap ang kanilang engagement

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng aktres na si Gwen Zamora ang tungkol sa kanyang pagpapakasal sa ama ng kanyang anak na si Cooper.

Ikinasal na siya sa basketbolistang si DJ Semerad at ibinahagi niya ang ilang mga litratong kuha sa kanilang kasal nitong February 13, 2021.

Taliwas sa nakasanayang kasalan ng mga artista, nakasuot lamang ang dalawa ng kanilang winterwear.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sophie Albert, nagdadalang-tao na sa panganay nila ng kasintahang si Vin Abrenica
Gwen Zamora at basketball player na si DJ Semerad, ikinasal na sa France

Photo from Gwen Zamora (gwenzamora)
Source: Instagram

Naganap ang nasabing winter wedding sa France. Bago naganap ang kanilang kasal, nanirahan sila sa Batangas kung saan nagpagawa sila ng Semerad Cabin.

Naganap ang kanilang engagement noong May 2019, kasabay ng ginanap nilang gender reveal kung saan napag-alaman nila na magkakaroon sila ng baby boy at iyon na ngayon si Cooper.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Marami ang humanga at naaliw sa pagbabahagi nila Gwen at David ng kanilang buhay probinsya sa Batangas.

Bukod sa mga sariwang gulay at pagkain, kinaaliwan ng kanilang mga tagahanga ang simpleng pamumuhay nila kasama ang anak nilang si Cooper sa kanilang bahay-kubo inspired cabin.

Ayon sa aktres, masaya silang manatili doon habang pinapatupad ang lockdown dahil para sa kanila ay mas ligtas doon para sa anak nila.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Janella at Marcus, ibinahagi sa kanilang vlog ang unang flight ni Baby Jude

Si Gwen Zamora ay isinilang sa Australia at lumipat sa Pilipinas noong sya ay 14 na taong gulang. Noong 2011, napabilang siya sa FHM Philippines' Sexiést Woman in the World. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Goyo.

Isinapubliko ng aktres ang tungkol sa pagbubuntis niya noong Abril nang 2019 at ipinanganak ni Gwen ang anak nila ni DJ noong August 15, 2019.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel