Driver na naglabas ng hinaing sa kanyang pasaherong may alagang aso, viral

Driver na naglabas ng hinaing sa kanyang pasaherong may alagang aso, viral

- Viral ang post ng isang netizen tungkol sa Grab driver na naglabas ng saloobin sa kanya

- Napansin umano nitong may alagang aso ang pasahero kaya naman hindi niya naiwasang maikwento ang tungkol sa alaga niyang aso

- Mahal na mahal umano nito ang alaga dahil ito ang sumasalubong sa kanya tuwing dumarating siya ng bahay

- Ang malungkot nga lang sa kwento, tila mas mainam pa raw ang aso kumpara sa mga anak niyang puro cellphone na lamang ang inaatupag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang naantig ang puso sa post na naibahagi ni Athena Andrada Porcalla tungkol sa isang Grab driver na naglabas umano ng saloobin sa kanya.

Sa post ni Athena, makikitang mayroon siyang hawak na aso habang sakay sa na-book na Grab car.

Tila napansin ito ng driver at hindi naiwasang magkwento tungkol umano sa kanyang alagang aso.

Read also

Hayden Kho, ibinunyag na nakipaghiwalay si Vicki Belo bago sila ikasal

Driver na naglabas ng hinaing sa kanyang pasaherong may alagang aso, viral
Photo from Athena Andrada Porcalla
Source: Facebook

"May aso din ako, mahal na mahal ko yun," naibahagi ng driver. Subalit ang kumurot sa puso ng marami ay nang ikwento naman niya ang tungkol sa kanyang mga anak.

"Buti pa yun, tuwing uuwi ako sinasalubong ako. Tuwang-tuwa siya na makita ako, samantalang 'yung mga anak ko, hindi ako pinapansin puro lang cellphone hawak," ang hinaing ng driver.

Maraming netizens ang aminadong naging emosyonal sa maiksing pahayag na ito na labis na makabuluhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sad pero totoo, nawawala na rin yung pagma-mano"
"Yung pagod na pagod ka bilang padre de pamilya na nagtatrabaho para sa mga anak, pero sila ni ha ni ho pag dumarating ang magulang wala lang"
"Naluha ako. maiksi lang yung post pero malaman, please kids, konting lambing naman sa parents niyong nagwo-work para sa inyo"

Read also

Mister na inayawan dahil "batugan," liligawan daw muli ang nagreklamong misis

"Sana hindi pagsisihan ng mga anak ni manong driver yung ginagawa nila, maisip sana nila na hindi lahat mayroong masipag na ama o ang malala, hindi lahat mayroon pang ama."

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa ang grupo ng mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan ang labis na naapektuhan ngayong pandemya.

Kaya naman ang kanilang patuloy na pagtatrabaho sa kabila ng hindi mapigilang paglaganap ng COVID-19 ay masasabing kahanga-hanga lalo na at alam nating ito ay upang maitaguyod ang kanilang pamilya.

Sana lang, maramdaman naman nila ang pagpapahalaga at pagmamalasakit sa kanila ng kanilang mga mahal sa buhay lalo na at hindi biro sa panahon ngayon ang labis na paglabas ng bahay dahil pa rin sa kinatatakutang virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica