Hayden Kho, ibinunyag na nakipaghiwalay si Vicki Belo bago sila ikasal

Hayden Kho, ibinunyag na nakipaghiwalay si Vicki Belo bago sila ikasal

- Masayang ibinahagi ng mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo ang kwento ng kanilang pagmamahalan

- Kabilang sa kanilang ikinuwento ay kung paano sila nagkakilala at paano sila naging magkarelasyon

- Matapos ang tatlong proposal ay natuloy din ang pag-iisang dibdib ng dalawa na noon pa man ay naging bukas na sa publiko

- Gayunpaman, lingid sa kaalaman ng marami, nagkaroon pala ng di pagkakaunawaan ang dalawa bago sila ikasal at ikinuwento nila ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay noon si Doktora Vicki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho ang ilan sa mga kaganapan sa kanilang relasyon na hindi pa nila naibabahagi sa publiko.

Labinlimang taon na silang magkarelasyon at tatlong taon na silang nagsasama bilang mag-asawa.

Kwento nila, ang unang pagkikita nila ay naganap nang parehas silang maimbitahan bilang judge ng isang pageant.

Ogie Diaz, naniniwalang 'di dapat husgahan si Janno sa gitna ng kontrobersiya
Hayden Kho, ibinunyag na nakipaghiwalay si Vicki Belo bago sila ikasal

Photo from Hayden Kho Jr. (@dochayden)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinaintriga umano ni Vicki kung bakit malakas ang hiyawan at palakpakan ng mga tao nang lumabas si Hayden.

Aminado naman si Dra. Vicki na siya ang unang lumapit at kumausap kay Hayden. Tinanong niya ito kung ano ang kanyang specialty bilang isang intern sa isang ospital sa Makati.

Bukod sa agwat ng kanilang edad, parehas umanong may mga karelasyon sila noong panahong iyon kaya nagsimula sila bilang magkaibigan.

Nabanggit pa ni Hayden na tatlong beses siyang nakapag-propose kay Vicki. Pagdating naman sa pag-iwas sa mga tukso, sinabi ni Hayden na nag-iingat siya. Hindi umano siya pumapayag na sumakay sa isang elevator na dalawa lang sila ng ibang babae.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

LizQuen ibinahagi na respeto ang sekreto ng kanilang matatag na relasyon

Naikwento din ni Hayden ang nangyaring di pagkakaunawaan nila ni Vicki noong gabi bago sila ikasal.

Kwento naman ni Vicki, excited siya para sa kanyang facial doon sa Paris na naka-book na ng mas maaga dahil mahirap umano makakuha ng appointment doon.

Gayunpaman, dahil ginamit umano ang van para sunduin ang mga magulang ni Hyden, wala siyang masakyan at ikinadismaya niya iyon.

Wala din siyang nakuhang ibang masakyan kaya hindi siya nakapunta sa kanyang appointment. Nagkaayos din umano sila matapos magdasal.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.

Ruffa Gutierrez handang makipag-ayos sa dating asawa na si Yilmaz Bektas

Naging bahagi rin ang doktora ng ilang Pinoy movies gaya ng Beauty in a Bottle, Rakenrol, at Sosy Problems.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-65 na kaarawan si doktora Belo. Sa kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawa, ilang throwback pictures naman ang ibinahagi ni Hayden Kho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel