Ogie Diaz, naniniwalang 'di dapat husgahan si Janno sa gitna ng kontrobersiya

Ogie Diaz, naniniwalang 'di dapat husgahan si Janno sa gitna ng kontrobersiya

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang nasagap na balita kaugnay sa isyu nina Kitkat Favia at Janno Gibbs

- Matatandaang may lumabas na balitang minura at sinigawan umano ni Janno si Kitkat habang nasa shooting ng kanilang show

- Ayon pa kay Ogie, nabalitaan niyang ayaw munang makatrabaho ni Kitkat ang TV host at magpapahinga muna umano ito sa kanilang show

- Sa kasalukuyan wala pang inilalabas na pahayag ang magkabilang panig kaugnay sa balitang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang pagputok ng balitang umano'y paninigaw at pagmumura ni Janno Gibbs sa co-host niyang si Kitkat Favia sa kanilang show, ibinahagi ng kilalang showbiz reporter na si Ogie Diaz ang kanyang nakalap na mga bali-balita hinggil sa isyu.

Kagaya sa lumabas na balita, nagulat na lamang umano ang fans nang biglang 'pumitik' ang actor/singer at pinagsisigawan at pinagmumura umano si Kitkat.

Lolit Solis, hinimay ang balitang umano'y pinilit ni Maja si Kim na lumipat
Ogie Diaz, isiniwalat ang mga nakalap sa isyu nina Kitkat at Janno Gibbs

Janno Gibbs (@jannolategibbs)
Source: Instagram

Kwento pa ni Ogie, ang bisita nilang si Marco Sison ay naghinalang nag-pa-prank lang silang dalawa. Hanggang sa napansin umano ng mang-aawit na panay ang mura ni Janno at binato umano nito mikropono at sabay nag-walk out.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naitanong pa umano ng mga staff kay Ogie kung ganoon daw ba talaga si Janno, at kung totoo daw bang bipolar si Janno o may mental health isyu na kinakaharap si Janno.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

May mga pagkakataon pa umano ayon sa mga staff na kapag may swab test sa kanilang set, ayaw umano pumila ni Janno at nagagalit kapag hindi nauuna.

Paglilinaw naman ni Ogie, hindi naman dapat husgahan si Janno sa kabila ng mga lumalabas na balita.

Hayden Kho, ibinunyag na nakipaghiwalay si Vicki Belo bago sila ikasal

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Janno Gibbs ay unang nakilala sa mundo ng showbiz noong taong 1986 bilang bahagi ng teen variety show na That's Entertainment sa GMA Network. Naging bahagi din siya ng ilang mga palabas sa Viva Films at naging host ng TV show na "Small Brothers" noong 1990. Nakilala siya sa mga bansag na "Late", "Mokong" at "Philippine's King of Soul".

Matatandaang naging usap-usapan din ang naging pahayag niya kaugnay sa mga netizens na nagtatanong sa kanyang show.

Hindi niya rin pinalampas ang isang netizen na nagkomento sa kanyang pagho-host.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel