Lolit Solis, hinimay ang balitang umano'y pinilit ni Maja si Kim na lumipat

Lolit Solis, hinimay ang balitang umano'y pinilit ni Maja si Kim na lumipat

- Matapos ang ilang beses na maging laman ng kanyang Instagram post, muling ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang opinyon hinggil sa isang balita tungkol kay Maja Salvador

- Umano ay may lumalabas na balitang maging si Kim Chiu ay pinilit ni Maja Salvador na lumipat noong siya ay umalis sa ABS-CBN

- Ani Manay Lolit, dahil dito ay hindi umano nakakapagtakang marami sa mga kasamahan ni Maja ang medyo nagtampo sa kanya

- Matatandaang naging bahagi si Maja ng Sunday noontime show sa TV5 na Sunday Noontime Live na tumagal ng tatlong buwan lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling naging paksa ng Instagram post ni Lolit Solis si Maja Salvador matapos lumabas ang balitang umano ay pinilit nito maging si Kim Chiu na lumipat noong umalis siya sa ABS-CBN at lumipat sa TV5.

Aniya, kaya naman pala may mga nagtampo sa aktres noong lumipat siya.

Ogie Diaz, naniniwalang 'di dapat husgahan si Janno sa gitna ng kontrobersiya
Ang pangit naman ng lumabas na balita Salve na pinipilit pa pala ni Maja Salvador nuon si Kim Chiu para lumipat kasabay niya. Grabe iyon ha, kaya naman pala medyo nagtampo ang mga taga ABS-CBN kay Maja dahil pati iba niyang kasama gusto pa niyang isali sa paglipat.
Lolit Solis, hinimay ang balitang umano'y pinilit ni Maja si Kim na lumipat

Photo from Lolit Solis (@akosilolitsolis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ng showbiz writer, eye-opener umano ang nangyari kay Maja dahil ang pagkakaroon umano ng mataas na talent fee ay hindi assurance na kakayanin ng isang tao ang responsibilidad.

Dapat lagi mong isipin na hindi porke heto, kilala ako ng lahat, top of the line performance ko, pero sana naman , mag rate at kumita itong ginagawa ko. Team effort ang lahat, hindi solo performance lang, kaya hayan, pag semplang , nganga ka. Loser kang bigla, instead na winner. Life lesson number one, dapat nasa tamang level ang mga paa para hindi madapa. Kung hindi, ikaw lang masasaktan.
Heart Evangelista, binunyag kung gaano kabait si Maja Salvador

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matatandaang naghayag din si Manay Lolit ng kanyang opinyon na hindi lang dahil sa kanyang loyalty kay Johnny Manahan kaya lumipat si Maja.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Maja Salvador ay isang aktres, performer, recording artist at product endorser. Sumikat siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw. Sa katunayan binansagan siyang Queen of the dance floor.

Matatandaang isa si Maja Salvador sa lumipat sa TV5 matapos tuluyang ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN. Nagkaroon siya ng Sunday noontime show na Sunday Noontime Live! sa TV5 na tumagal lamang ng tatlong buwan. Matapos ang pagkakansela ng kanilang show, nanatiling positibo ang aktres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel