Heart Evangelista, binunyag kung gaano kabait si Maja Salvador

Heart Evangelista, binunyag kung gaano kabait si Maja Salvador

- Masayang nakipag chikahan si Heart Evangelista kay Maja Salvador sa isang video na ibinahagi ni Maja sa kanyang YouTube channel

- Isa-isang sinagot nina Heart at Maja ang mga katanungan ng mga netizens tungkol sa pag-ibig

- Inalala din ni Heart na lagi siya noon pinupuntahan ni Maja noong nasa ABS-CBN pa siya

- Aniya, si Maja ay isa sa pinakamabait na artista sa ABS-CBN na nakilala niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinaunlakan ni Heart Evangelista ang paanyaya ni Maja Salvador sa kanya na mag-guest sa kanyang YouTube channel.

Sa kanyang guesting ay sinagot niya ang ilang mga katanungan ng mga netizens tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa pakikipagrelasyon at sa pag-ibig.

Hindi din nagpahuli si Maja sa pagbibigay ng mga tips at nagbabahagi din ng kanyang opinyon sa kabila ng kanyang mga papuri at pagkamangha sa husay ni Heart sa pagsasalita.

Gerald Anderson, hindi direktang makasagot kung may girlfriend na ba ito
Heart Evangelista, binunyag kung gaano kabait si Maja Salvador

Photo from Heart Evangelista (@iamhearte)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi ni Heart na noong nasa ABS-CBN pa siya ay palaging pumupunta si Maja sa dressing rom niya para lang batiin at kamustahin siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dagdag pa niya, si Maja ang isa sa pinakamabait na artistang kanyang nakilala sa ABS-CBN.

Matatandaang naging bahagi ABS-CBN si Heart noong taong 2000 hanggang taong 2007 kung saan naitambal siya kina John Pratts, Geoff Eigenmann at Jericho Rosales.

Taong 2008 nang pumirma siya ng eksklusibong kontrata sa GMA Artist Center at gumawa siya ng kanyang unang serye sa Kapuso network bilang leading lady ni Richard Guttierez sa teleseryeng Codename: Asero.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Heart Evangelista, naniniwalang hindi nakakaganda ang pagiging selosa

Si Maja Salvador ay isang aktres, performer, recording artist at product endorser. Sumikat siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw. Sa katunayan binansagan siyang Queen of the dance floor.

Matatandaang isa si Maja Salvador sa lumipat sa TV5 matapos tuluyang ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN. Nagkaroon siya ng Sunday noontime show na Sunday Noontime Live! sa TV5 na tumagal lamang ng tatlong buwan. Matapos ang pagkakansela ng kanilang show, nanatiling positibo ang aktres.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel