Gerald Anderson, hindi direktang makasagot kung may girlfriend na ba ito

Gerald Anderson, hindi direktang makasagot kung may girlfriend na ba ito

- Sinagot ni Gerald Anderson ang ilang katanungan tungkol sa kanyang personal na buhay

- Ngunit naging mailap siya sa pagsagot kung may girlfriend ba siya ngayon

- Sinabi lang ng Kapamilya actor na marami siyang rason para maging masaya

- Nagbahagi rin siya ng ilang tips kung papaano maghandle ng isang relasyon upang ito ay mag-work

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi makasagot ng direkta si Gerald Anderson kung may girlfriend na ba siya ngayon, ngunit nagpahiwatig siya na siya ay in-love at masayang-masaya.

Gerald Anderson, hindi direktang makasagot kung may girlfriend na ba ito

Gerald Anderson (Photo credit: @andersongeraldjr)
Source: Instagram

Nagpaunlak si Gerald Anderson sa pagsagot ng ilang katanungan tungkol sa buhay niya sa YouTube vlog ng kaibigan niyang si Joe Vargas.

Parehong galing ang dalawa sa ABS-CBN Reality Show na Pinoy Big Brother kung saan si Gerald ay galing sa batch 2006 at si Joe Vargas naman ay galing sa batch 2010.

Joshua Garcia, inamin ang dahilan ng pagpayag niyang gawin ang Paubaya MV

Ang lokasyon ng vlog ay nasa basketball court mismo ng gym na pagmamay-ari ni Gerald. Kasama rin nila ang girlfriend ni Joe na si Bianca Yanga at iba pang barkada ng dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tinanong ni Joe kung may girlfriend ba si Gerald ngayon pero ang kondisyon ay sasagot lamang si Gerald sa mga tanong niya kung hindi niya ma-shoot ang bola ng kanyang free throw.

"Ito na ang malupit na tanong! Makinig kayong lahat. Lalakasan ko iyong tanong. Taken ka ba ngayon?" sabik na tanong ni Joe.

Nashoot naman ni Gerald ang bola sa kanyang free throw kaya tawang-tawa ito dahil maiiwasan niyang sagutin ang tanong.

Inasar naman ni Joe si Gerald na:

"Suwerte sa buhay!"
"Sobrang saya. Marami akong dahilan para maging masaya. Tingnan mo kung gaano ka-sparkling eyes ko." sagot ng aktor.
Heart Evangelista, binunyag kung gaano kabait si Maja Salvador

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ayon kay Gerald, naniniwala siyang TEAMWORK at UNDERSTANDING ang kailangan para mag-work ang isang relasyon.

"Kailangan buo ka bago pumasok sa isang relasyon para hindi ka umaasa sa isang tao lang.”
"Kailangan buo ka and buo ‘yung partner mo, para ‘pag nagsama kayong dalawa, [may] teamwork and understanding.”
"Kung anuman insecurities niyo sa buhay, huwag niyo ipasa sa partner niyo. Kailangan you work through it together." paliwanag niya.

Mailap man sa medya at sa publiko sina Gerald Anderson at Julia Barretto tungkol sa kanilang mga lovelife ay ‘di mapagkakailang “Actions speak louder than words.”

Ilang beses nang nakitang magkasama ang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Gerald Anderson ay isa sa mga sikat na Kapamilya actor. Nagsimula ang career niya sa showbiz noong sumali siya sa pinakaunang “Pinoy Big Brother: Teen Edition”. Una siyang nakilala dahil sa tambalan nila ng dating girlfriend na si Kim Chiu.

Nag-viral na rider na nag-bike mula Binondo hanggang Cavite, dinagsa ng tulong

Sa ngayon ay masaya at matatag ang relasyon ni Kim sa on-screen at off-screen partner na si Xian Lim. Sa katunayan ay nag-celebrate ng Valentine’s ang dalawa sa Palawan. Dahil sa magandang love life ni Kim ay naging trending ang Chinese New Year tips niya sa mga single kung papaano magkaka-boyfriend.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel