Joshua Garcia, inamin ang tunay na dahilan ng pagpayag niyang gawin ang Paubaya MV

Joshua Garcia, inamin ang tunay na dahilan ng pagpayag niyang gawin ang Paubaya MV

- Ibinahagi ni Joshua Garcia ang tunay na dahilan kung bakit pumayag siyang gawin ang music video ng awiting 'Paubaya'

- Aniya, matapos niyang mapakinggan ang kanta, tila saktong-sakto sa kwento nila ni Julia Barretto ang mensahe ng awitin

- Isa din umano sa dahilan ng kanyang pagpayag ay ang pagkakaibigan nila ni Moira dela Torre, asawa nitong si Jayson at ni Julia

- Matatandaang mabilis na nag-trending ang nilabas nilang music video nitong February 14, 2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang di maipagkakailang success ng ginawang music video nina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa awiting "Paubaya" ni Moira Dela Torre, ibinahagi ni Joshua na si Moira ang nag-alok sa kanya na gawin ang nasabing music video.

Nang mapakinggan niya umano ang kanta ay tila saktong-sakto sa kanila ni Julia ang mensahe. Dagdag pa dito, naging dahilan din ang pagkakaibigan nila kaya napapayag si Joshua na pumayag.

Rhian Ramos, naglabas ng saloobin hinggil sa body shaming comments sa kanya
Joshua Garcia, inamin ang tunay na dahilan ng pagpayag niyang gawin ang Paubaya MV

Julia Barretto (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Si Moi yung nag-ask sa akin eh. Sabi niya, ‘Okay ka ba to do this Paubaya?’ Napakinggan ko yung kanta. Sabi ko, ‘Ang ganda nito ah. Parang saktong sakto masyado sa amin,’”

Kwento ni Joshua, ang script na kanilang sinabi sa gitnang bahagi ng music video ay pinagtulungan nilang gawin.

“May script siya, kami yung gumawa - ako, si Moi, si Kuya Jason and si Jul. Kami yung gumawa apat. May script siya, siyempre may guide kung hanggang saan lang kayo. Pero yung sasabihin as an actor, kung saan ka komportable siyempre, kung saan mo mararamdaman,”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matatandaang pinag-usapan ng sobra ang nasabing music video dahil sa madamdaming mga linyang binitawan ng dating magkarelasyon na sina Joshua at Julia. Para sa ilang netizens, tila ito ang naging closure ng dalawa na dumaan sa matinding kontrobersiya matapos ang kanilang paghihiwalay.

Heart Evangelista, naniniwalang hindi nakakaganda ang pagiging selosa

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Ang tambalang Joshua at Julia ay nakilala sa tawag na JoshLia. Ilan sa mga pelikula na ginawa nila ay Vince & Kath & James (2016), Love You To The Stars And Back (2017), Unexpectedly Yours (2017), I Love You, Hater (2018) at Block Z (2020).

Matapos mag-viral kamakailan ng music video ng awiting Paubaya, ibinahagi nina Julia at Joshua ang behind-the-scenes ng nasabing shoot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel