Rhian Ramos, naglabas ng saloobin hinggil sa natatanggap na body shaming comments

Rhian Ramos, naglabas ng saloobin hinggil sa natatanggap na body shaming comments

- Nagbahagi ng kanyang saloobin si Rhian Ramos hinggil sa mga body-shaming comments sa kanya

- Aniya, mas kilala niya ang sarili niya at alam niya kung ano ang gusto niya para sa kanyang sariling katawan

- Dagdag pa ni Rhian, hindi na siya umano nasasaktan sa mga komentong ito ng ibang tao

- Matatandaang marami sa mga netizen ang pumuna sa pagbawas ng timbang ng Kapuso actress kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi umano nasasaktan si Rhian Ramos sa mga sinasabi ng ibang tao kaugnay sa pagbaba ng kanyang timbang. Aniya mas alam niya kung ano ang mas nakakabuti para sa kanya.

Sa isang ulat ni Jamil Santos ng GMA News, ibinahagi ni Rhian ang saloobin niya hinggil dito sa kaniyang contract signing.

Rhian Ramos, naglabas ng saloobin hinggil sa natatanggap na body shaming comments
Photo from whianwamos/Instagram
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Heart Evangelista, naniniwalang hindi nakakaganda ang pagiging selosa

“I just take it with a grain of salt ... it doesn’t really hurt my feelings. I own many mirrors and part of my job is to know what I look like,” ani Rhian kaugnay sa mga body-shaming comments na natatanggap niya.

“I don’t think I ever hear something that I don’t expect first because I know myself,” aniya. Alam niya umano kung nadagdagan o nababawasan ang kanyang timbang at ginagawa lamang niya ang alam niya makakabuti sa kanyang kalusugan.

Dagdag pa niya, kung sinuman ang may ayaw sa kanyang pangangatawan ay huwag nilang gawin sa katawan nila.

“'Yung sarili kong gusto, taste, at health goals ang susundin ko,” pahayag ng aktres.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Simula nang ibunyag ni Rhian ang tungkol sa kanyang pinagdaanan nang maghiwalay sila ng kanyang boyfriend, marami ang nagpahayag ng suporta sa kanya.

Read also

Maine Mendoza, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging throwback picture

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Rhian Ramos ay isang Kapuso aktres at singer. Rhian Denise Ramos Howell ang kanyang totoong pangalan at anak siya nina Gareth Howell at Clara Ramos. Ilan sa mga sumikat niyang teleserye ay Saving Sally, The One That Got Away, at The Rich Man’s Daughter.

Matatandaang naging usap-usapan ang ibinahaging mensahe ni Rhian para sa kanyang boyfriend halos pitong buwan lamang ang nakakaraan.

Ibinahagi niya rin ang kanyang kondisyon upang pumayag siyang gumawa ng kissing scene sa panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel