Maine Mendoza, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging throwback picture

Maine Mendoza, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging throwback picture

- Marami ang naaliw sa ibinahaging throwback picture ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram account

- Ibinahagi niya ang litrato ng dalawang Culinary students na nakasuot ng kanilang uniporme

- Kalakip nito ay ang kanyang litrato na nakasut din ng kanyang uniporme noong nag-aaral pa siya bilang culinary student

- Gayunpaman, kagaya ng nakasanayan sa kanya na mapagbiro, nakasuot sa mukha niya ang kanyang hairnet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng mga netizens ang throwback post ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram account kung saan ibinahagi niya ang kanyang litrato noong nag-aaral pa lamang siya bilang isang Culinary student.

Kalakip nito ay ibinahagi niya din ang litrato ng dalawang foreign Culinary student na nakasuot ng kanilang uniporme.

Maine Mendoza, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging throwback picture

Photo: Maine Mendoza (@mainedcm)l
Source: Instagram

Sa kanyang ibinahaging litrato ay makikita na kahit noon pa ay masayahin at mapagbiro na ang TV host. Suot niya ang kanyang toque sa kanyang mukha imbes na sa taas ng kanyang ulo at maging ang kanyang hairnet.

Matteo Guidicelli, ibinida ang "family picture" nila sa kanyang pagbati sa misis
Maine Mendoza, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging throwback picture

Maine Mendoza (@mainedcm)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang natawa sa ibinahaging ito ni Maine maging ang ilang mga taga showbiz kagaya na lamang nina Danica Sotto, Ciarra Sotto at Christine Babao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Maine Mendoza ay isa sa mga pinaka-popular na mga aktres sa showbiz. Ipinanganak siyang si Nicomaine Dei Capili Mendoza. Naging sikat sa YouTube si Maine dahil sa mga mabenta niyang Dubsmash videos. Nag-level up nang husto ang kasikatan niya dahil sa role niya bilang si Yaya Dub sa Eat Bulaga at nang maging parte siya ng Aldub love team kasama si Alden Richards.

Kamakailan ay dumalo ang magkasintahang Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kasal ng kapatid ni Maine at naging usap-usapan ang dalawa kahit hindi sila kagaya ng ibang mga magkasintahan na lantaran sa social media.

Kristoffer Martin at dati nitong live-in partner, nagkasagutan sa social media

Nitong Disyembre lamang ay pinagdiwang nila ang kanilang 2nd anniversary at nagbahagi ng kani-kanilang mensahe para sa isa't-isa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel