Kristoffer Martin at dati nitong live-in partner na si AC Banzon, nagkasagutan sa social media

Kristoffer Martin at dati nitong live-in partner na si AC Banzon, nagkasagutan sa social media

- Naging usap-usapan ang mainit na palitan ng salita ng dating magkasintahang sina Kristoffer Martin and AC Banzon sa social media

- Nagsimula ito sa sunud-sunod na tweets ng Kapuso actor nitong Biyernes kung saan hindi niya pinapangalanan ang taong kanyang tinutukoy

- Sinagot ni AC sa comment ng isang tweet ang patutsada ng aktor na hindi din inatrasan ni Kristoffer

- Matatandaang naglabas ng kanyang pahayag si AC sa isang panayam kamakailan kung saan inilahad niya ang tungkol sa kanilang paghihiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging matindi ang sagutan ng dating live-in partners na sina Kristoffer Martin at AC Banzon sa Twitter. Nagsimula ang kanilang sagutan nang mag-tweet ng sunod-sunod ang Kapuso actor.

Hindi nito pinangalanan kung sino ang kanyang pinatutungkulan ng kanyang mga patutsada ngunit dahil sa naging sgot ng dating ka live-in partner, nakumpirma na ito ay patungkol sa ina ng kanyang anak na kanyang isinapubliko kamakailan.

Maine Mendoza, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging throwback picture
Kristoffer Martin at dati nitong live-in partner na si AC Banzon, nagkasagutan sa social media

Photo from Kristoffer Martin (@kristoffermartin_)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakapaloob sa kanyang mga tweet ang tungkol sa kanyang naging sakripisyo sa anak nila na tila binalewala.

"Sana binanggit mo kung pano ako naubos. Hindi yung 'gatas lang' yung ginawa ko. Sana lang," aniya sa isang tweet.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa isa sa mga tweets ni Kristoffer, ito ang naging tugon ni AC: "Isa isahin ko kaya kalokohan mo hahahahaha"

Bwelta naman ng aktor, "Go. Dahil gusto mo ko sirain sa trabahong bumuhay satin before. Sa trabahong nagdala satin kung saan saan. GO."

Matatandaang kamakailan ay nagpaunlak ng isang panayam si AC kung saan inihayag niya ang umano'y totoong pangyayari sa kanilang paghihiwalay.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig

Si Kristoffer Martin ay unang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa singing contest na Little Big Superstar. Naging bahagi din siya ng mga palabas kagaya ng Boy & Kris, ASAP '08 at Wowowee at Kung Fu Kids.

Kamakailan ay naging emsyonal siya nang aminin ang tungkol sa kanyang pagiging ama. Naging dagok din para sa aktor nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang pamilya noong 2020.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel