Sunshine Cruz, ipinagdiwang ang kanyang ika-44 na kaarawan

Sunshine Cruz, ipinagdiwang ang kanyang ika-44 na kaarawan

- Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang ilang mga pictures na kuha sa kanyang ika-44 na kaarawan

- Mga malalapit na tao lamang sa kanya ang naroroon upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan

- Naroroon din ang kanyang boyfriend na si Macky Mathay at kumpleto din ang kanyang mga anak

- Marami naman ang nakapansin sa tila hindi kumukupas na kagandahan ng aktres sa kabila ng kanyang edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagsasabi na isa si Sunshine Cruz sa mga artistang parang hindi tumatanda. Sa katunayan, ilang beses nang nababanggit sa mga writeups na mukhalang silang magkakapatid ng kanyang tatlong anak na dalaga.

Sunshine Cruz, ipinagdiwang ang kanyang ika-44 na kaarawan
Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-44 na kaarawan, ibinahagi ni Sunshine ang ilang pictures na kuha sa kanyang pagdiriwang na dinaluhan ng mga malalapit na tao sa kanya.

Pinasalamatan niya ang kanyang pamilya sa pagmamahal nilasa kanya.

Read also

Ibinahaging picture ni Kai Sotto, kinaaliwan ng mga netizens

44! ☺️ Blessed and grateful to have the best gift one can ever have, the love of family. Words will never be able to express how much you all mean to me!

Naroroon sin ang boyfriend ni Sunshine na si Macky Mathay.

Samantala, sa kanyang Instagram Story, ipinakita ni Sunshine ang regalo ni Macky sa kanya, isang gold na kwintas.

Ang mga anak naman niya ay nagbigay ng bulaklak at hikaw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sunshine Cruz ay isang aktres at dating asawa ng aktor na si Cesar Montano. Sila ay nagkaroon ng tatlong anak. Matapos nilang magkahiwalay ni Cesar kasalukuyang karelasyon niya si Macky Mathay.

Matatandaang ibinahagi ng kasama ni Sunshine sa teleseryeng Bagong Umaga na si Heaven Peralejo kamakailan na nag-positibo siya sa COVID-19. Naibahagi din ni Heaven kung gaano siya naapektuhan sa mga pambabatikos sa kanya kamakailan.

Read also

Justin Cuyugan, nagbahagi ng advice sa pakikipagrelasyon sa isang narcissist

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel