Ibinahaging picture ni Kai Sotto, kinaaliwan ng mga netizens
- Ibinahagi ni Kai Sotto ang ilang pictures na kuha sa Boracay kasama ang kanyang pamilya
- Sa kanyang post sa kanyang Instagram account, ginamit niya ang hashtag na #cousinsquad
- Hindi naman napigilang mag-react ng mga netizens sa kanyang mga litratong ibinahagi
- Ito ay sa kadahilanang kitang-kita siya sa mga pictures kasama ang kanyang mga pinsan dahil sa kanyang pambihirang tangkad
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-pansin ang tangkad ni Kai Sotto sa mga ibinahaging litrato ni Kai sa kanyang Instagram account kung saan may mga kasama siya na kuha sa beach sa Boracay.
Agaw-pansin ang tangkad ng basketbolista sa kanyang ibinahaging mga litrato kung saan ginamit niya ang hashtags na #cousinsquad.
Maging ang ilang kilalang personalidad kagaya ni Gretchen Ho ay nag-react sa nasabing post ni Kai.
Sa isa pang post ay buong pagmamalaking ibinahagi ni Kai ang pictures nila ng kanyang family.
Call us whatever you want, we call ourselves family‼️
Hindi napigilang magbiro ng ilan sa kanyang followers kaugnay sa kanyang pictures na ibinahagi sa Instagram. Hirit ng iba, ito daw ay "Snow White and the seven dwarfs."
Pito din kasi ang kasama niya sa mga pictures sa kanyang post at nagmukha silang mga pandak dahil sa sobrang tangkad ni Kai.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Kai Zachary Perlado Sotto ay isang Pinoy na kilala bilang isang professional basketball player para sa Adelaide 36ers ng Australian National Basketball League. Naitalang 7 feet 2 inches ang tangkad at 232 pounds ang timbang niya. Naglalaro siya bilang center position.
Matatandaang marami sa kanyang mga Pinoy fans ang natuwa tungkol sa kanyang pagkakapasok sa NBA G League.
Matatadaang taong 2019 nang ibahagi ni Kai na nais niyang i-pursue ang kanyang pangarap na makapasok sa NBA.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh