RR Enriquez, nawalan ng 64,000 nang ipadeposito ang kanyang pera sa bangko

RR Enriquez, nawalan ng 64,000 nang ipadeposito ang kanyang pera sa bangko

- Minabuti ni RR Enriquez na ibahagi ang kanyang karanasan matapos niyang ipagkatiwala sa kanyang driver at staff ang pagdeposit ng pera nya

- Aniya, binilang pa ito ng ilang beses bago ito ihatid sa bangko kaya imposibleng nagkamali siya sa bilang ng perang pinadala

- Nilinaw niyang ayaw niyang pagbintangan ang kanyang staff at ang kanyang driver maging ang teller

- Gayunpaman, hihingi umano siya ng kopya ng CCTV upang lumabas ang katotohanan sa likod ng pagkawala ng kanyang 64,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ibahagi ni RR Enriquez ang tungkol sa pagkawala ng kanyang 64,000 na dapat ay ipapadeposit niya kabilang ng 2,380,000 pesos, wala pa rin umano siyang maisip kung sino ang kumuha sa nawawalang pera.

RR Enriquez, nawalan ng 64,000 nang ipadeposito ang kanyang pera sa bangko
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Kwento ni RR, madali lang ang byahe mula sa condo niya papuntang bangko kaya kung tutuusin ay sobrang bilis ng pangyayari.

Read also

Senior HS, nagbenta ng artworks para maka-graduate; mabibigyan pa ng scholarship

Ipinagpasalamat naman niya na nakatanggap siya ng bagong cellphone na kanyang ibinahagi sa isang video sa Instagram. Aniya, ituturing na lamang niyang binili niya ng bagong cellphone ang kanyang nawalang pera. Nais niya na lang umanong kalimutan ang nagyari sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si RR Enriqez ay dating Kapamilya artist sa loob ng walong taon. Naging bahagi siya ng iba't-ibang palabas sa ABS-CBN kagaya ng Wowowee at Banana Split hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Kinalaunan ay tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Kasalukuyan siyang karelasyon ng basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapaundar na rin sila ng kanilang bahay.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi ng kanyang pakikisimpatya si RR sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Read also

Kasambahay na humingi ng tulong kay Idol Raffy, nanindigang hindi magpapaareglo

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate