Senior HS, nagbenta ng artworks para maka-graduate; mabibigyan pa ng scholarship
- Isang senior high school student ang mabibigyan ng scholarship matapos na mag-viral ang kanyang mga artworks
- Nagbenta kasi ng kanyang mga likhang sining ang estudyanteng ito maigapang lamang ang kanyang pag-aaral
- Nawalan ng kabuhayan ang kanyang pamilya dala ng pandemya kaya naman naisip niya na dumiskarte
- Hindi naman siya nabigo at mas lalo pa siyang nabiyayaan dahil isang fashion school ang maari niyang pasukan para sa kanyang tatahaking propesyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang ipinakitang talento at diskarte ng kaka-graduate lamang na senior high school student na si Edgian James Calapardo Florida.
Nalaman ng KAMI na nagbenta umano siya ng kanyang mga artworks gayung nawalan ng kabuhayan ang kanilang pamilya bunsod ng pandemya.
Dahil sa kanyang talento sa sining, naigapang niya ang pag-aaral hanggang maka-graduate sa senior high school kamakailan.
Alay niya sa kanyang ama na isang magsasaka ang kanyang tagumpay dahil ito rin ang nagpupursige para sa kanilang pamilya.
Matatandaang minsan na ring nag-viral ang mga likha ni Edgian dahil sa mga kakaibang mga ginagamit niya sa kanyang mga obra.
Kamakailan, gamit ang 'vetsin' bilang disenyo, iginuhit niya ang gown ng bagong Binibining Pilipinas International na si Hannah Arnold.
Tunay na kahanga-hanga ang talento niyang ito na siyang naging daan upang magkaroon siya ng scholarship sa isang Fashion school. Ayon sa GMA News kung saan siya naitampok, sa tulong ng isang designer na mula sa Italy, maaring maisakatuparan ni Edgian ang propesyong ng pagiging isang fashion designer.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kahanga-hanga ang mga mag-aaral na hindi nagnanais na maging pabigat sa mga magulang na nakakaisip na dumiskarte sa pag-aaral lalo na ngayong mas mahirap ang buhay dahil sa pandemya.
Matatandaang minsan na ring naiulat ng KAMI ang tungkol sa isang lalaki na nakatapos ng kolehiyo dahil sa pagiging jeepney driver. Napagtiyagaan niya ang mamasada at pumasok pa rin sa paaralan hanggang siya ay makatapos.
Napakalaking bagay umano ng desisyong ito para sa kanya lalo na at hindi biro ang pamamasada ngunit napagtagumpayan niya ito.
Hindi rin nalalayo rito ang kwento ng isang delivery rider na kamakailan ay nakapagtapos din sa kolehiyo habang siya ay rumaraket ng pagde-deliver.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh